Video ng batang ito na labis ang pag-iyak at ayaw paalisin ang kaniyang ama na isang “Seaman”, pumukaw sa atensyon ng mga netizens at umantig sa puso ng publiko!



Maraming mga magulang ang kinailangang gumawa ng mabigat na desisyon hindi lamang para sa kanilang sarili lalo’t higit para sa kanilang mga anak. Hindi na nakapagtatakang marami ang mga magulang na sumusugal upang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Photo credit: Screengrab from M.E Batac Via Marino PH

Di hamak kasing mas malaki ang kita roon kaysa dito sila magtrabaho sa Pilipinas. Kamakailan lamang ay talagang umantig sa puso ng publiko ang video na ito ng isang batang lalaki kung saan pilit niyang pinipigilang umalis ang kaniyang ama na nagtatrabaho pala bilang isang “Seaman”.

Naibahagi ang video na ito sa Facebook page na Marino PH. Mahigpit ang hawak ng bata sa kaniyang ama dahil sa ayaw niya talagang umalis ito at muli na namang mawalay sa kanila. Ngunit wala namang ibang pagpipilian ang ama kundi ang umalis muli dahil sa kailangan niyang magtrabaho para sa kaniyang pamilya.

Marahil ay ang ina mismo ng bata ang kumukuha sa naturang video kung saan maririnig ang batang lalaki na sumisigaw ng “Tatay” nang makailang ulit. Ayon sa naging pahayag ng ina sa video ay nalulungkot siya noon para sa kaniyang sarili sa tuwing aalis ang kaniyang asawa ngunit ngayon ay mas nalulungkot siya para sa kaniyang mga anak dahil kahit anong paliwanag pa ang kanilang gawin ay hindi pa rin nito maiibsan ang labis na kalungkutang nararamdaman ng mga ito sa tuwing aalis ang kanilang ama at mangingibang-bansa na naman.



Photo credit: Screengrab from M.E Batac Via Marino PH


Hindi madali ang ganitong pangyayari para sa mga anak, ngunit hindi rin naman ito biro para sa mga magulang na piniling malayo sa kanilang mga mahal sa buhay ng mahabang panahon para lamang kumita ng mas malaki sa ibang bansa. Kung kaya naman talagang mapalad pa rin ang mga anak at mga magulang na nagkakasama sa araw-araw sa kabila ng napakaraming mga pagsubok sa buhay ay nalalampasan pa rin nila ang mga ito nang magkasama.




error: Content is protected !!