Isang matapat na tricycle driver ang nagsauli ng bagong laptop at Php52,000 na cash na naiwanan ng kaniyang pasahero!



Mahirap ang buhay. Napakahirap kumita ng pera lalo na sa panahon natin ngayon.

Ngunit sa kabila ng kahirapan ng buhay na nararanasan ng marami sa atin ngayon ay mayroon pa rin palang mga tao na kayang gumawa ng mabuti sa halip na unahin ang pangsarili nilang pangangailangan. Tulad na lamang ng isang tricycle driver na ito na nagsauli ang isang bagong bagong laptop at Php52,000 na cash sa kaniyang pasahero matapos itong maiwanan sa kaniyang tricycle!



Photo credit: Jonamie Sebastian

Labis labis talaga ang pasasalamat ni Jonamie Sebastian sa kaniyang nasakyang tricycle dahil sa pagiging matapat nito. Kahit kasi napakahirap ng buhay natin sa ngayon, lalo pa at pandemya pa rin ang ating nararanasan ay hindi ito naging dahilan upang pag-interesan ng driver ang kaniyang mga gamit lalo na ang cash na laman ng kaniyang bag.

Ibinahagi ni Jonamie sa kaniyang post na gabi pa lamang ay hinihintay na siya ng driver na bumalik at hanapin ang naiwanan niyang gamit. Ayon pa sa driver ay buong gabi niyang hawak ang gamit na naiwanan ni Jonamie dahil sa natatakot itong mawala ang mga gamit at ang pera na nasa loob ng bag.



Kahit pa nga magiging magandang simula at tulong para sa tricycle driver ang laptop at ang lamang pera ng kaniyang bag ay talagang isinauli pa rin niya ito sa tunay na may-ari. Maraming mga netizens ang talagang nagulat dahil kung ibang tao ito ay tiyak na hindi na maibabalik pa kay Jonamie ang kaniyang mga naiwang gamit.


Tunay ngang marami pa ring mabubuting tao sa ngayon at isa na ang tricycle driver na ito sa mga buhay na patotoong may pag-asa pa rin ang marami sa atin kahit pa nga napakarami nang hindi magagandang pangyayari na nangyayari sa ating kapaligiran. Dahil din sa pangyayaring ito ay tiyak na mas maraming mga tao pa ang magnanais na gumawa ng mabuti kaysa pagnasahan o pag-interes ang pagmamay-ari ng iba.




error: Content is protected !!