Namahagi ng regalo at tumulong sa pagpapatayo ng isang palaruan ang aktres at beauty queen na si Winwyn Marquez para sa mga bata sa Tawi-Tawi



Si Teresita Ssen Lacsamana Marquez o mas nakilala natin bilang si Winwyn Marquez ay isang 28 taong gulang na aktres, modelo, dancer at beauty queen. Kinoronahan siya noon bilang kauna-unahang Pilipina na nag-uwi ng karangalan sa bansa bilang “Reina Hispanoamericana Filipinas” sa “Miss World”.

Image by Winwyn Marquez via Instagram

Maliban sa pagiging mahusay na aktres at beauty queen titleholder ay isa na rin siyang Marine Reservist. Pinabilib niya ang publiko nang manguna siya sa kanilang klase nito lamang Nobyembre.

At bilang pagdiriwang ng araw ng Kapaskuhan ay napagdesisyunan niyang tumulong sa mga kabataan ng Tawi-Tawi sa pamamagitan ng pamamahagi ng ilang mga makakain tulad ng “cupcakes”, kendi at “sopas”, tsinelas, at ilang mga laruan. Nilubos-lubos na rin niya ang pagtulong niyang ito at nakiisa na rin siya sa pagpapatayo ng palaruan para sa mga bata.

Image by Winwyn Marquez via Instagram



Tunay ngang walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mga batang ito at mababakas talaga sa kanilang mga mata ang kagalakan dahil sa kabila ng pandemya ay marami pa ring nais tumulong sa kanila. Ayon naman sa naging pahayag ni Winwyn, kung walang oportunidad na dumarating sa ating upang makatulong sa ating kapwa ay tayo na mismo ang gumawa ng pinto para rito.


Image by Winwyn Marquez via Instagram

Aminado ang aktres na abalang-abala siya ngayon sa kaniyang mga “showbiz commitments” ngunit talagang pinaglalaanan niya ng panahon ang pagsisilbi niyang ito sa kaniyang kapwa bilang miyembro ng Marine Battalion Landing Team-6 (MBLT-6). Dagdag pa niya, sa kabila ng matinding hirap na ating kinakaharap hanggang sa ngayon dahil sa pandemya, marami din namang naituro sa atin ang taong 2020.

Isa na rito ang pagiging malikhain at ang pagkakaroon ng mga bagong pagkakataon na tumulong at magsilbing pag-asa sa ating kapwa. Umani din naman ng maraming mga komento at reaksyon sa social media ang ginawang ito ni Winwyn.

Image by Winwyn Marquez via Instagram

Tunay nga na hindi lamang siya ubod ng ganda at seksi, mayroon din siyang busilak na pusong handang tumulong sa kaniyang kapwa.




error: Content is protected !!