May best friend na babae ang aking nobyo at talagang napakalapit nila sa isa’t-isa, dapat ba akong magselos bilang girlfriend niya?



Mahal na mahal ni Karen si Albert ngunit talagang hindi niya maiwasang magselos sa tuwing malalaman niyang magkasama sila ni Joyce. Si Joyce kasi ang pinakamatalik na kaibigan ni Albert kung kaya naman selos na selos sa kaniya si Karen.

“Saan ka na naman ba galing? Kanina pa kita hinihintay, Albert.” Naiinis na tanong ni Karen sa nobyo.

“Pasensiya ka na, Mahal. Kailangan ko kasing pumunta sa bahay nila Joyce dahil birthday ng kaniyang ina. Nahiya naman akong hindi pumunta dahil sa inimbita mismo ako ni Tita.” Pagpapaliwanag ni Albert sa nobya.



Galit na galit man ay hindi ito ipinahalata ni Karen sa kaniyang nobyo. Nakaisip siya ng isang magandang plano upang masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Nagkita sa harap ng “elevator” sa condo na tinitirhan ni Albert sina Karen at Joyce. Bigla na lamang hinila ni Karen ang buhok ni Joyce na labis namang ikinagulat ng huli.


“Layuan mo na si Albert. Mayroon na siyang girlfriend at ako yun. Bakit kailangang makisawsaw ka pa?!” Nanggigigil na sambit ni Karen kay Joyce habang hila pa rin nito ang kaniyang buhok.

Nang makarating na si Karen sa condo ng kaniyang nobyo ay nagpanggap siya na sinabunutan ni Joyce habang may luha ang kaniyang mga mata. Nang pagbuksan siya ng nobyo ay tila mayroong kakaiba sa ekspresyon ng kaniyang mukha ngunit ipinagpatuloy pa rin niya ang pagpapanggap.

“Sinaktan ako ng best friend mo Albert! Sinabunutan niya ko, sinampal at sinabing hindi ako karapat-dapat sa’yo! Hindi ko alam kung bakit siya ganun saken, Mahal!” Pahayag ni Karen.

Ang hindi alam ni Karen ay nakita pala ni Albert lahat ng nangyari kung kaya naman batid niyang nagsisinungaling ang kaniyang nobya.

“Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito, Karen? Kaibigan ko lang si Joyce. Bakit ba ayaw mong maniwala? Alam mo, sa ginawa mong ito ay pinatunayan mo lang na hindi ka talaga karapat-dapat mahalin. Plano ko pa namang alukin ka ng kasal at katulong ko pa si Joyce dito. Siya pa mismo ang nagpresinta na maghahanap ng magandang lugar kung saan ako maaaring mag-propose sa’yo.

Pero ngayon, ayoko na. tapusin na natin ‘to, Karen!” Galit na sabi ni Albert sabay sara ng pinto.




error: Content is protected !!