Categories: Showbiz

Carlo Aquino masayang ibinahagi sa kaniyang mga tagahanga ang kaniyang naging karanasan bilang first time daddy sa kaniyang anak na si Elona Mithi!

Si Carlo Jose Liwanag o mas sumikat sa kaniyang screen name na Carlo Aquino ay isang 35 taong gulang na aktor at musikero. Siya ang lead singer ng bandang “Kollide” at naging miyembro din siya ng JCS na binubuo nina John Prats at Stefano Mori.

Tumatak ang kaniyang pangalan sa industriya ng showbiz matapos ng natatangi at pambihirang pagganap niya sa pelikula noong taong 1998 na pinamagatang “Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?” Muling naging maingay ang kaniyang pangalan matapos siyang makatambal muli ng dati niyang kasintahan na si Angelica Panganiban.

Marami ang nag-akala na muling madudugtungan ang kanilang pagmamahal noon ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na muli pang nabigyan ng pagkakataon ang kanilang pag-iibigan. Napabalitang hindi talaga sila nagkamabutihan at tanging dahil sa proyekto lamang nila kung kaya naman naging sobrang sweet si Carlo sa kaniyang katambal na si Angelica.


Ilan sa kanilang mga tagahanga ang talagang nagalit sa aktor dahil sa mga larawang kumakalat noon kung saan magkasama sila ng model na si Trina Candaza. Setyembre 2020 nang isilang ni Trina ang panganay nilang anak ni Carlo na pinangalanan nilang Elona Mithi. Ayon kay Carlo, “alone” ang ibig sabihin ng pangalang Elona kapag ito ay babaligtarin.

Nais niya kasing maging “independent” at “adventurous” ang kaniyang anak paglaki nito. Mithi naman ang idinagdag nila sa pangalan ng kanilang anak dahil sa ito ang “love interest” ni Carlo noon naging pelikula niyang “Pahina” taong 2000.

Sa ngayon ay masayang masaya na ang dalawa dahil sa pagdating ng kanilang anak. Ayon sa naging panayam sa kaniya ni Darla Sauler sa online program nitong “Catch Up in 10 minutes” ay ibinahagi ni Carlo na labis ang kaniyang kaligayahan lalo na ngayon na mayroon na siyang sarili niyang pamilya.

Mas nagkaroon siya ng inspirasyon upang magtrabaho ng husto para sa kaniyang nobyang si Trina at para sa kanilang anak na si Elona Mithi.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago