Isang Malaysian ang humingi ng tulong sa mga netizens upang matagpuan ang taong nagmamay-ari ng pera na mayroong nakakaantig na mensahe!



“Money makes the world go round.” Tiyak na marami ang sasang-ayon sa kasabihan na ito dahil madalas talagang pera ang nagpapaikot sa mundo.

Kung marami ka nito ay tiyak na mabibili mo ang lahat ng gusto mong bilhin at hindi ka na magkakaroon pa ang problema. Halimbawa na lamang ay gastusin sa bahay, pangkain, pambayad ng pangmatrikula ng mga anak, pambili ng kotse, bahay at lupa, pang-negosyo, panggastos sa ospital, at marami pang iba.

Tila ba bawat paghinga natin ay kailangan talaga natin ng pera. Ngunit kamakailan ay naging palaisipan sa maraming mga netizens kung bakit humingi ng tulong ang isang Malaysian na ito.

Mayroon kasi siyang natagpuan na paper bill RM10 ($2.40) o halos P123. Sa perang papel na ito ay mayroong nakasulat na isang nakakaantig na mensahe.

““The last cash given by dad on 21/5/2010. FRIDAY 7:10 A.M. I love you dad.”


Dahil sa nabasa niyang ito ay hindi na nagdalawang-isip pa si Hyza Ezany na humingi ng tulong sa mga netizens upang natunton ang may-ari ng pera na ito. Marami din ang nakiisa at tumulong kay Ezany na mahanap ang taong ito hanggang sa umabot na ng mahigit 25,000 na shares ng kaniyang post.

Ang hinahanap niya pala ay walang iba kundi si Anne Malar Yesudass. Gulat na gulat siya nang malaman na natagpuan nga ang perang ito na huling bagay na naibigay sa kaniya ng kaniyang ama bago ito pumanaw.

Hinatid daw siya ng kaniyang ama noon sa eskwelahan. Inabutan siya ng baon at matapos nito ay hindi na niya muli pang nakitang buhay ang kaniyang ama dahil sa aksidenteng sinapit nito.

Sa kasamaang-palad ay nanakaw sa kaniya ang kaniyang pitaka kung saan naroroon ang pinakatatago niyang paper bill mula sa kaniyang namayapang ama. Labis din ang pasasalamat nito kay Ezany na tumulong sa kaniya upang maibalik ang alaala ng kaniyang pinakamamahal na ama.




error: Content is protected !!