Nakakatuwa naman ang pagiging hands-on ni Robin Padilla sa anak niyang si Isabella!



Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o mas kilala bilang Robin Padilla ay isang 49 na taong gulang na aktor, screenwriter, producer at director.

Kilala din siya bilang “Bad Boy” ng pelikulang Pilipino dahil na rin sa kaniyang mga kahanga-hangang pagganap sa mga pelikulang “Anak ni Baby Ama”, “Grease GÜn Gang”, “Bad Boy 1”, at “Bad Boy 2”. Tinagurian din siyang “The Action Prince” o “The Prince of the Philippine Action Movies”.


Ikinasal siya noong 1996 kay Liezl Sicangco ngunit nagdiborsyo din sila ng 2010. Ikinasal naman siya noong 2010 sa kaniyang misis ngayon na si Mariel Rodriguez. Mayroon na siyang limang anak sa parehong relasyon, sina Ali, Queenie, Kylie, Zhen-zhen at Isabella. Samantalang kilala rin sa industriya ang kaniyang mga kapatid na sina Rommel Padilla at BB Gandanghari.


Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang pagiging hands-on nito sa kaniyang bunsong anak na si Isabella sa misis niyang si Mariel Rodriquez-Padilla. Ikinatuwa ng publiko ang ginawa niyang sorpresa para sa ikalawang taong kaarawan nito. Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal, si Minnie Mouse ang paboritong karakter nito. At ito nga ang naging tema ng kaarawan ng kaniyang anak.


Narito ang pahayag ni Robin sa isang panayam sa kaniya:
“Hindi ko siya madala sa america o sa australia o sa malaysia man lang para mabuhay nang normal, yung may park sa tabi ng bahay, yung may labas, yung may hangin, kaya ginagawa ko sa kanya dito sa bahay. Kailangan maranasan din ni Isabella ang naranasan ng mga kapatid niya.”


Labis na ikinatuwa ng mga batang imbitado ang mga disney princesses at mga disney characters, maging ang kiddie gym at inflatable slide. Habang ang cake naman ni Isabella ay tatlong layer na mayroon ding mukha ni Minnie Mouse. Gumawa din si Robin ng canoe sa kanilang swimming pool na pinalilibutan ng mga lumulutang na Minnie Mouse.




error: Content is protected !!