Ito ang pagkakaibigan ng isang 17 taong gulang na babae at si ‘Awang’ ang pink na kalabaw



Marami sa atin ang nahihilig sa pag-aalaga ng hayop. Karaniwan sa mga inaalagaan ay mga aso, pusa, ibon, isda at marami pang iba. Pero isang babae na taga-Malaysia ang magbibigay sa atin ng kwentong kakaiba, dahil ang alaga niyang pink na kalabaw ay ang kanyang matalik na kaibigan.


Si Nadia Khairun Nisa Yusof ay 17 taong gulang na taga-Terengganu. Nag-viral ang kanyang mga larawang kasama ang kanyang pink na kalabaw na may bigat na 760kg na nakita sa Amazing Terengganu sa Facebook noong ika-28 ng Enero taong 2019.


Nagsimula ang pagkakaibigan nilang dalawa ng binili ng kanyang ama na si Yusog Mohammad mula sa isang breeder ng Kuala Berang. Dahil sa pagkakaibigan nilang dalawa nabansagan si Nadia na “Gadis Kerbau Pink” na ang malapit na kahulugan ay “Pink Buffalo Girl”.


Ngayon ay anim na taong gulang na ang Pink na Kalabaw na ang pangalan ay ‘Awang’. Isang tao ang nag-interview kay Nadia patungkol sa samahan nila ni Awang.

Ayon kay Nadia sa panayam niya kay Astro Awani:
“Awang is very close to me because we have become good mates since six years ago. I would always go see Awang right after I come back from school at 3pm.”


Pinapaliguan at pinapakain ni Nadia ang alagang kalabaw bago dalhin ito sa damuhan at sa putikan. Pagkatapos niyang gampanan lahat ng kinakailangan ng alagang kalabaw saka lamang siya uuwi sa kanilang bahay.

Idinagdag pa ni Nadia:
“If I don’t see Awang for one day, I get very restless. I can’t imagine having to part with him one day later.”


Ang pagiging malapit niya kay Awang marahil ang naging dahilan kung bakit gusto niyang maging isang Veterinarian. Sinabi rin niya na ang koneksyon sa mga hayop ang magbibigay ng kaligayahan ay kapayapaan.




error: Content is protected !!