Bato o kidneys dapat napaka-ingatan natin dahil sa importansya nito sa ating katawan.



Ang bato o kilala sa ingles bilang kidneys ay napakahalagang parte ng ating katawan. Maaaring ito ay maliit lamang na parte ng ating kabuuan ngunit ito ay may napakahalagang papel sa ating pangkalahatang kalusugan. Ang mga ito ang nagsasala sa mga dumi ng sa ating katawan.



Responsable ang mga bato natin sa pagpapanatili ng tamang balanse ng tubig sa ating katawan. Ang mga sobrang tubig sa ating katawan ay inilalabas sa ating katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.


Dalawa ang bato natin sa ating katawan kung saan sila ang punong-abala sa paglalabas ng mga produktong dumi sa ating sistema.
Ngunit paano at bakit nga ba nasisira ang ang ating mga bato?

1. Hindi tamang pag-inom ng tubig sa loob ng isang araw.



Ang pag-inom ng walong basong tubig sa isang araw ay napakahalaga upang magampanan ng ating mga bato ang kanilang trabaho na pagsasala ng dumi sa ating katawan. Kapag kaunti lamang ang tubig na ating iniinom, hindi makakapagtrabaho ng maayos ang ating mga bato at mas dadami pa ang mga “toxins” sa ating katawan.

2. Sobrang pagkain o pag-inom ng mga pagkain at inuming may “caffeine”.




Ang caffeine na kadalasang matatagpuan sa mga soda o kape na ating iniinom ay maaaring maging dahilan ng pagtaas ng presyon ng ating dugo.

3. Pagpipigil ng ihi


Ang pagpipigil ng ihi ay nagdudulot sa pagpwersa sa likod ng ating bato na magiging dahilan ng pagkasira ng ating mga bato kung hindi agad malulunasan.

4. Sobrang konsumo sa protina




Malaking tulong sa ating katawan at mga “muscles” ang protina. Ngunit lahat ng sobra ay masama. Ang sobrang pagkonsumo sa protina ay maaaring magdulot ng pagkasira ng ating mga bato.

5. Sobrang pagkonsumo ng sodium


Nahihirapan ang ating mga bato sa pagproseso ng sodium. Ito ay nakukuha sa mga pagkaing maalat na maaaring magdulot ng pagkasira ng ating mga bato.

Ilan lamang ito sa mga dahilan ng pagkasira ng ating mga bato.

Mas mainam na habang maaga pa ay sikapin na nating alagaan ang ating kalusugan hindi lamang para sa atin kundi para sa mga taong minamahal natin.




error: Content is protected !!