Isang piloto na ubod ng ganda ang viral ngayon sa social media, kilalanin siya!



Maraming magagandang Pilipino at Pilipina ang hinahangaan hindi lamang dito sa ating bansa ngunit pati na rin sa ibang bayan. Kilala ang mga Pilipina sa pagkakaroon ng maamo at mala-anghel na mukha na talaga namang bibighani sa kahit sinuman, mapa-babae o lalaki man. Isang halimbawa sa ngayon ang kumakalat na litrato ng isang babaeng piloto na grabe talaga ng taglay na kagandahan. Siya ay si Shanika Silverio, nagtapos siya ng Cum laude sa Airlink Flying School sa kursong Bachelor’s degree in Aircraft Operations and Aviation. Siya ay tunay na hinahangaan ng marami hindi lamang sa kagandahang taglay niya kundi maging sa katalinuhan at pagpupursige niya sa pag-aaral.



Tunay ngang siya ay isang magandang halimbawa para sa nakararaming kabataan sa ngayon na hindi lamang panglabas na kaanyuan ang nararapat paggugulan ng panahon kundi pati na rin ang buong katangian at pagkatao. Lalong lalo na ang pagbibigay ng importansya sa edukasyon na malaki ang magiging dahilan sa ikauunlad ng kinabukasan ng isang kabataan sa ngayon. Ang taglay niyang kagandahan ay simpleng ganda lang na hindi na nangangailangan ng makakapal na kolorete sa kanyang mukha.






Nakapukaw ng atensyon ng maraming netizens ang maganda mukha at pigura nu Shanika sa kanyang mga posts sa kanyang social media accounts. Marami mang naghahangad na masungkit ang kanyang matamis na oo ngunit siya ay kasalukuyang may kasintahan na. Kung saan ang nasabing kasintahan niya ay naging viral din dahil sa paglalagay ng facial moisturizer sa kanyang mukha habang siya ay natutulog. Lubos daw na iniingatan ni Shanika ang kanyang kutis at alam na alam daw iyon ng kanyang nobyo. Ang nasabing mga larawan ay umani ng maraming positibong komento.




Maging ang mga larawan ni Shanika sa kanyang social media account ay umani ng maraming taga-hanga. Tunay ngang ang mga Pilipina ay hindi lang magaganda, mabubuti, at matatalino din naman.






error: Content is protected !!