Nakakabilib na imbensyon ng isang Pinoy na tinawag na “Water Supplemented Stove” sagot na nga ba sa kahirapan?



Sa pagtaas ng mga bilihin ay marami pa rin sa ating mga kababayan ay nahihirapan maisalba ang pang araw-araw na buhay. Sa liit ng kinikita ng ilan ay todong pagtitipid ang ginagawa. Marahil kapag pumunta sa mga pamilihan ay kung ano lang ang kailangan ay iyon lamang ang bibilhin.



Kasama rin sa dinadaing na pag taas ng mga petrolyong produkto. Dahil sa pagtaas ng gas ay siya ring pag taas ng pasahe sa mga pampublikong sasakyan. Tunay na mahirap talaga ang pamumuhay ngayon. Pero ano nga ba dapat ang gawin ng mga Pilipino sa tumataas na porsyento ng kahirapan?



Dapat ba natin isisi ito sa iba? Dapat ba tayong mag reklamo? Ang tanging kasagutan dito ay harapin at diskartehan ang nararamdamang pagsubok. Gumawa ng paraan upang makayanan ang hirap ng buhay. Katulad ng isang imbentor na nagmula sa Cotabato City.



Si Rolly Palladio ay isang pinoy na nag imbento ng isang kagamitan na kung saan ay ginagamit nya ang tubig (H2O) upang gamiting pampaapoy sa pagluluto ng pagkain. Ang layunin ng imbentor ay makatulong sa bansa dahil sa pag taas ng mga bilihin. Sinabi ng imbentor na makaka tipid ka sa imbensyon nyang tinawag nyang “Water Supplemented Stove”. Ayon sa video, ang imbentor ay nakahanap ng paraan para mapaghiwalay ang Hydrogen (H2) and Oxygen (O2) sa water (H2O). Ang Oxygen (O2) ang kinakailangan niya para makapag-“produce” ng apoy.



Pero marami pa ring katanugan sa isip kung talaga bang ang imbensyon na ito ay makakabawas kunsumo at kung talaga bang makaka-tipid. Dapat ay masusing alamin kung ligtas ba ang proseso ng kanyang imbensyon sa kapaligiran. Mapapansin sa video na ang kulay ng apoy netoy kulay “orange-red”. Pero kapag gasul ang gamit ang kulay ng apoy ay asul na masasabi nating ang mainit na apoy.

Tunay ngang malikhain at madiskarte ang mga Pilipino. Marami nang nagawang mga imbensyon ang mga Pinoy na talaga namang nakikilala na sa buong mundo. Marahil kung pagtutuunan ng ating pamahalaan ang mga sarili nating likha ay mas makikilala pa ang Pinoy sa larangan ng pag-imbento. Ang likha ni Rolly Palladio na “Water Supplemented Stove” ay maaaring maging sanhi upang makatulong sa kahirapan at isang pagpapatunay na likas na may talento ang mga Pilipino. Maging aral sana ito sa lahat na maging malikhain. Gumawa ng paraan upang ang kahirapan ay mawala.




error: Content is protected !!