Sa angking ganda ni Sharifa Akeel ang Miss Asia Pacific International 2018 ay talagang mabibighani ka sa kanyang simpleng pinagmulan at pamumuhay



Marami sa atin ay namamangha sa kagandahan ng mga babaeng sumasali sa mga iba’t ibang klase ng “Beauty Contest”, lalong-lalo na sa mga patimpalak na pang Internasyonal. Pinamamalas ng mga kalahok dito ang kanilang kagandahan, talento, at katalinuhan. Talaga namang todo suporta natin sa kumakatawan sa ating bansa. Dahil ang pagkapanalo ng ating representante ay karangalan din ng ating bansa. Tila ba parang butas ng karayom ang landas na tinatahak ng mga sumasali sa mga ganitong kaganapan.



Sa dami ng sumasali ay tanging isa lamang ang mapipili upang tanghalin bilang panalo. Kaya naman nakaka-bilib at naka mamangha ang mga nananalo sa mga ganitong paligsahan. Ang mga nananalo sa mga ganitong patimpalak ay nagiging simbulo ng kagandahan sa panlabas at mas sa panloob o kagandahang ugali ng isang tao.



Isa sa mga kahanga-hangang babae ay ang nanalo noong ika-4 ng Oktubre, taong 2018 ng nasungkit ni Sharifa Akeel ang titulo na “Miss Asia Pacific International 2018”. Si Sharifa Akeel ay may lahing Qatari-Iranian na ipinanganak sa Lebak, Sultan Kudarat. Siya pinalaki at inalagaan ng isang Muslim. Siya ay nakapagtapos ng pagaaral sa kursong BS Elementary Education sa Notre Dame of Salaman College. Kasalukuyang nagtatrabaho siya sa Congressional Office Province of Sultan Kudarat bilang Human Relations Officer.



Sa kabila ng kanyang pagkapanalo ay mas pinili pa niya ang ganitong simpleng pamumuhay. Sa taglay nyang kagandahan, marahil iba sa atin ay maiisip na magarbo at mayaman na ang pamumuhay ng dalaga dahil sa kanyang pagka panalo.



Bagkus, pinatunayan niyang ang payak na pamumuhay ay ayos na para sa kanya. Pinaparamdam din nya ang kanyang pagmamahal sa Muslim na nagpalaki sa kanya. Isa siyang taong marunong tumingin sa pinang galingan. Isa sa mga adbokasiya niya ay ang mga kababaihang muslim.


Si Sharifa Akeel ay isang halimbawa ng isang mapagkumbaba. Sa taglay niyang kagandahan at katanyagan ay mas pinili pa rin niya ang tumulong sa kanyang pinagmulang bayan. Karapat dapat talaga ang iyong pagka panalo dahil sa ipinamamalas mong kabutihan hindi lamang sa iyong pamilya pati na rin sa iyong bayang pinagmulan.






error: Content is protected !!