Isang 23-anyos na dalaga nagsilbing body guard ang kanyang ama sa kanilang bar party



Anumang edad ang kanilang mga anak ang mga magulang ay patuloy na magiging magulang sa kanila. Hindi maiaalis sa kanila ang pag-aalala sa kanilang ng anak lalo kung ang mga ito ay wala sa kanilang tahanan. Umani ng maraming papuri sa social media ang post ng isang netizen na nagngangalang Xiannie Delfin dahil sa kasama niya ang kanyang tatay sa isang bar habang sila ay nag-iinuman. Siya ay taga-Tamnag Sultan Kudarat.



Ayon sa kanyang caption, ““Ang papa kong overprotective. Iba talaga basta pulis yung tatay mo kahit sinabi ko na magchichill lang kami, sasama talaga siya kasi daw baka malasing ako.”

“Hindi ko alam kung maawa ako sayo kasi parang ang lonely mo tingnan or mahihiya ako kasi kahit 24 years old na ako, meron akong bodyguard na kasama haha.”

Dagdag pa niya, ”Before mo pinaandar yung sasakyan hinanap mo pa kung saan yung cap mo, ang purpose mo pala is para hindi ka makikilala sa inuman (huli ko na nagets).” Isa din siyang ulirang ama dahil sa di niya nais mapahiya ang kanyang anak sa mga kasamahan nito. Kung kaya mas pinili niyang lumayo sa kanyang anak basta’t masigurado lamang na siya ay ligtas na makakauwi.

Napakasweet din naman ng kanyang ama dahil sa umorder pa ito ng sisig para sa kanilang pulutan. Nakakagulat ding malaman na ang kanyang ama ay isa pa lang pulis.



Nakakatuwang malaman na ang mga kilalang matikas at striktong pulis ay may malambot at mapag-unawang puso pala para sa kanilang mga anak.



Sadyang nakakainggit ang magkaroon ng ganitong magulang. Over protective mang maituturing. Iilan na lamang ang mga pinagpalang anak na mayroong ganitong uri ng mga magulang. Tiyak na marami ang ang naiinggit kay Xiannie dahil sa pagkakaroon ng ganitong klaseng ama.






error: Content is protected !!