Litrato ng Isang Security Guard na Nakatayong Kumakain, Halimbawa ng Dedikasyon at Pagtitiis sa Trabaho.

Ang pagiging isang Security Guard ay hindi isang birong trabaho. Kinakailangan ng matibay na pangangatawan at alertong pagiisip ang ganitong propesyon. Responsibilidad nilang siguruhing ligtas at nasa ayos ang kanilang mga pino-protektahan. Madalas natin makita ang mga Security Guard o Sikyu sa mga Mall, Bangko, at mga kilalang mga lugar na nangangailangan ng kaligtasan. Madalas ang trabaho nila ay nakatayo at nagmamasid sa posibilidad na panganib habang nakabilad sa init.

Kinakailangan nilang maging alerto at mapag-masid sa paligid. Ang iba pang sikyu ay pang gabi kung saan ay hindi sila natutulog upang siguruhing ligtas ang kanilang binabantayan. Sa kabila ng sapat na kinikita ng mga sikyu, makikita pa rin natin na sila ay tunay na kahanga-hanga. Ngunit may mga iba na hindi pinahahalagahan ang mga sikyu. Minsan ay talagang sinusulit ng amo o ahensya ang binabayad sa mga Security Guard.

Isang kumakalat na larawan ng isang Security Guard ang naging usap-usapan ngayon sa Social Media. Sa larawan ay makikitang kumakain ng nakatayo ang Security Guard ng kanyang tanghalian. Ang larawang ito ay inupload sa OFW Kalingawan facebook page. Umabot sa 17 thousand reactions at 8 thousans shares ang naturang post.

Ayon sa nagpost:


Maraming nagbigay ng simpatiya sa Security Guard. Ang iba ay sinisisi ang pinagtatrabahuhan nito sa hindi pag-bigay ng “break-time” sa kanya. Pero sa iba ay umani naman ng papuri ang naturang Sikyu sa dedikasyon niya sa kanyang trabaho. Marahil ay inisip niyang kumain na lang sa kanyang kinatatayuan upang mabantayan maige ang lugar.


Pero ito ang katotohanan ng buhay. Meron mga pinalad na bigyan ng magandang trabaho na kung saan ay maginhawa at malaki pa ang kinikita. Pero ang pagiging isang Sikyu ay kabilang sa trabaho na masasabi nating mahirap at hindi kalakihan ang sweldo.

May ibang mga tao na ang tingin nila sa mga Sikyu ay maliit lamang. Makikita sa kanilang pag-trato at pakikipag-usap. Sana ay ang halimbawa na ito ay maging gabay natin upang mabigyang respeto ang mga masisipag nating mga Security Guards.



Reply

error: Content is protected !!