Mga artistang maganda pa rin kahit walang make-up! Kilalanin sila.



Likas sa mga artista ang magsuot ng make-up sa harap man o likod ng camera dahil marahil ito ang hinihingi ng kanilang propesyon. Ilan sa mga artistang ito ay ang mga sumusunod:

Top 10: Jane Oineza



Kilala rin bilang Elizabeth Jane Urbano Oineza. Goin Bulilit star at nakilala rin dahil sa pagpasok nito sa bahay ni Kuya (Pinoy Big Brother). Makikita siyang walang make-up sa mga normal na okasyon.


Top 9: Alexa Ilacad


Nakilala rin sa Goin Bulilit at kabilang siya sa mga magagandang mukha sa industriya. Mapapansin ang kanyang makinis na mukha sa mga “youtube videos” nito.

Top 8: Bianca Umali



Maria Isadora Bianca Soler Umali mas kilala bilang Bianca Umali. Bilang aktres at modelo tunay ngang nakakamangha ang taglay niyang kagandahan kahit wala siyang make-up.

Top 7: Julia Barreto



Mula sa prominenteng pamilya ng mga Barreto. Madalas siyang makita sa mga interviews niya ng walang make-up.

Top 6: Elise Joson

Nakilala sa Pinoy Big Brother ang aktres at modeling ito na talaga namang nagtataglay ng mala-porselanang balat!

Top 5: Kathryn Bernardo

Kilala siya hindi lamang sa mahusay niyang pagganap sa nga teleserye sa telebisyon at maging sa pelikula nito. Maganda pa rin siya kahit walang make-up!

Top 4: Bea Binene

Nakilala sa Kapuso Network hindi lamang sa pagiging mahusay na artista at host ngunit wala talagang papantay sa maamo niyang mukha kahit wala siyang make-up.

Top 3: Anne Curtis

Kilalang host, modelo, at mahusay na aktres. Madalas siyang makikita ng walang suot na make-up.

Top 2: Ellen Adarna

Si Ellen Adarna ay kilala sa palaban na personalidad nito. Isa rin siyang modelo at aktres. Tunay na maganda pa rin siya kahit walang make-up dahil sa makinis at maputi nitong kutis.

Top 1: Liza Soberano

Isang sikat na aktres at modelo. Kilala di lamang sa ating bansa ngunit sa ibang bansa na rin dahil sa mala-anghel niyang mukha na kahit walang make-up ay ubod pa rin ng ganda! Nakakainggit ang ganda ng mga artistang ito! Di lang sila mahuhusay na aktres ng kanilang henerasyon ngunit biniyayaan sila ng angking kagandahan!




error: Content is protected !!