Di mo aakalaing lesbian pala siya dati!



“Change is the only constant thing in the world”, mga kataga mula sa isang Greek Philosopher. Tunay ngang pagbabago lamang ang permanenteng bagay dito sa mundo.



Aakalain mo bang itong pagbabagong ito ay mararanasan din ng isang lesbian na ngayon ay isa na muling babae? Ang kanyang pangalan ay JM Viray Carbonilla na noong una ay nakakagusto lamang sa mga kababaihan hanggan sa unti-unti na siya nagdadamit ng malalaki at nagpaiksi ng buhok.



Ngunit noong Enero lamang ng ginulantang niya ang kanyang mga kaibigan sa social media nang siya ay mag-iba ng ayos at maging isang “Dyosa” na ubod ng ganda mula sa kanyang “titibo-tibong” imahe.



Mahahalatang biniyayaaan talaga siya ng kagandahan mapa-lalaki man o babaeng imahe. Isa siyang lesbian dati na hindi mo aakalaing maaari ring maging kabigha-bighaning dalaga! Sa ating panahon ngayon na ang iilan ay tanggap na ang LGBTQ Community o ang Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender ay Quuer Community ngunit mayroon pa rin namang mga hindi sang-ayon dito nakakamangha pa ring malaman na hindi siya natakot na magpakatotoo sa kanyang sarili.

Marami mang mga hindi kanais-nais na salita ang naririnig ng ating mga kababayan na kasapi ng LGBTQ Community dahil sa mapang-husgang lipunan at sa sari-saring opinyon at kuro-kuro ng bawat tao nananitili silang totoo sa kanilang mga sarili. Bansagan man silang makasalanan, kahiyahiya, o mga salot patuloy at patuloy nilang pinatutunayan ang kanilang kahusayan di lamang sa kanilang mga kanya kanyang trabaho kundi pati na rin sa kanyan kanyang larangan.



Wala silang sawa sa pagtulong sa kanilang mga magulang, mga mahal sa buhay, at maging sa kanilang kapwa kahit pa wala nang matira sa kanila. “All-out” sila kung magmahal ayon nga sa isang sikat na kataga. Kaya naman hindi na nakapagtatakang iilan rin sa ating mga ina ng tahanan ay nagnanais magkaroon ng anak na katulad nila, dahil hindi lingid sa kanila ang pagmamahal, dedikasyon, at ang walang sawang pagtulong ng mga ito sa kanilang kapwa lalong lalo na sa kanilang mahal na mga magulang at ina.

Source:Ptama




error: Content is protected !!