Aksidenteng nabasag ng anak na ito ang labingtatlong taon na vase ng kaniyang ama na naglalaman pala ng maraming salapi!



Marami sa ating mga Pilipino ang nasanay sa konsepto ng pag-iipon o pagtatabi ng pera ng ating mga magulang noon na talaga namang hanggang ngayon ay mayroon pa ring gumagawa. Karamihan nga sa mga lagayan natin ng iniipon nating pera ay mga “piggy bank”, basyong lata o di kaya naman ay bote at mayroon din namang sa likuran ng mga orasan o nakasabit na litrato o sa iba’t-ibang bahagi ng ating mga bahay.


Mayroon din namang ilang mga asawa na sadyang inililihim sa kanilang mga asawa ang pinagtataguan nila ng kanilang iniipon na pera na kadalasan din namang nauuwi sa wala lalo na kung sumakabilang-buhay na ang nagmamay-ari ng alkansya o ng pera na iniipon dahil sa hindi ito sinabi sa kaninuman. Sa Pilipinas, hindi na maaari pang ipalit o magastos ang mga ito dahil nag-demonitize na tayo ng mga lumang pananalapi natin.




Ngunit kamakailan lamang ay isang babae mula sa Guangxi, China ang aksidenteng nakabasag ng isang vase o plorera sa kanilang tahanan. Nagulat siya nang bumungad sa kaniya ang maraming pera na inipon pala ng kaniyang ama sa nabasag na plorera.
“I was sitting in my bed and suddenly, I heard a loud sound coming from the living room. I quickly jumped out of bed and ran outside. Then I saw the broken vase with a lot of money in it,” ito ang naging pahayag ng ina ng bata na nakasag ng plorera sa China Press.

Dagdag pa niya, tinext niya ang mister tungkol sa nabasag na plorera at talaga namang nabago ang itsura ng kaniyang mukha pagtungtong niya sa pinto ng kanilang tahanan. Sa loob ng plorera ay ang maraming pera na binilang buong umaga ng kaniyang misis at napag-alaman na nasa higit kumulang na 5,000 Yuan o katumbas ng $734 ang laman ng plorera.



Pag-amin pa ng mister, nagsimula siyang mag-ipon doon mula ng lumipat sila sa nasabing bahay taong 2006.
“I saved this money from eating bihun. I don’t know what to feel now,” pagbabahagi pa niya.

Akala naman ng maraming netizen na magagalit ang misis dahil sa nilihim ng mister ang pag-iipon nito sa kanilang vase ngunit ito ang pabiro niyang komento patungkol sa nangyari.
“After more than ten years, he only saved a few thousand Yuan, that’s so funny!” pabirong sabi ng misis.





error: Content is protected !!