Kape Lang Sa Umaga: Masama pala sa Katawan



Nakagawian na ng maraming tao ang pag-inom ng kape sa umaga. Pagka-gising pa lamang ay kape na ang hinahanap. Dahil ang kape ang nagiging pampagising sa inaantok pa nilang katawan. Talagang ang kape ay naging parte na ng buhay ng karamihan. Ang iba ay umiinom ng kape upang matunawan sa kinain. Iniinom din ang kape kapag nakakaramdam ng lamig. At marami sa atin ay umiinom ng kape habang nakikipag-usap sa mga kaibigan at mahal sa buhay. Ang pag-inom ng kape ay maraming benepisyo sa katawan. Bukod sa ito ay mayaman sa antioxidants nakakapag tanggal pa ito ng stress at depre$$ion.


Pero marami sa atin ay hindi alam na masama ang pag-inom ng kape kapag wala pang laman ang tiyan. Ito ang mga magiging epekto kapag ginagawa mo ito:



1. Pagdami ng Stomach Acid


Ang ating tiyan ay may acid na siyang tumutunaw sa ating kinakain. Pero kung tayo ay iinom ng kape ng wala pang kinain ay dadagdag pa ito sa acid ng katawan at magiging sanhi ng pananakit ng sikmura. At baka mauwi pa sa ibang sakit katulad ng heartburn, irritable bowel syndrome, o stomach ulcer.


2. Bad Digestion


Ang kape ay may fiber at caffeine na nakakatulong sa pagtunaw ng pagkain. Pero paano kapag uminom ka ng kape ng wala namang tutunawin. Dahil sa caffeine na pumasok sa katawan, at wala pang laman ang tiyan, magiging sanhi ito ng pagiging bloated at pagsakit ng sikmura. Dahil dito ay babagal metabolismo ng katawan.


3. Dehydration


Ang pag-inom ng kape ng wala pang laman ang tiyan ay nagiging sanhi ng ating madalas na pag-ihi. Dahil ang kape ay isang natural diuretic. Sa madalas na paglabas ng tubig sa iyong katawan maaaring mauwi ito sa Dehydration.



4. Mahabang level ng serotonin


Ang serotonin ay isang neurotransmitter na dumadaloy sa dugo at sa utak na nagiging dahilan kung bakit tayo nagiging masaya at kalmado. Kung ang ipinasok mo lang sa katawan mo ay kape lang at walang ibang nutrisyon, maaaring magkulang din ang produksyon ng serotonin sa iyong katawan.

5. Anxiety o pagkabalisa


Dahil sa mababang produksyon ng serotonin sa katawan, dulot ng hindi pagkain ng almusal, nagiging balisa tayo at hindi nakakapag-isip ng maayos. Ang ganitong pakiramdam ay nagbubunga ng pagiging depress at pagkabalisa.



Upang maiwasan ang mga sakit na ito, ugaliing kumain muna bago uminom ng kape. Masasabi natin na ang almusal ay ang pinaka-mahalagang kain sa buong araw. Dahil ang pagkain ng agahan ang nagbibigay nutrition sa umpisa ng iyong araw. Ugaliin din na uminom ng maraming tubig upang mailabas ng mabuti ang mga maruruming bagay sa katawan.

Tunay na nakaka-relax ang pag-inom ng kape. Mula sa aroma hanggang sa bawat higop talaga namang masisiyahan ang taong iinom nito. Pero tatandaan, gaano man ito kasarap kailangan pa rin itong ilagay sa tamang paraan.

Source:PhDailyUpdates




error: Content is protected !!