Korina Sanchez pinamangha ang publiko dahil sa kaniyang weight-l0ss journey ngayong mayroong enhanced community quarantine!



Ang batikang mamamahayag na si Korina Sanchez ay nagbabawas ng timbang habang maraming lugar sa ating bansa sa ngayon ang sumasailalim pa rin sa enhanced community quarantine. Ang ginagawa niyang pagbabawas ng timbang ay talaga namang nagbibigay ng inspirasyon sa maraming mga tao na mahalin at alagaan ang kanilang mga sarili lalo na sa mga panahon ngayon na bawal tayong magkasakit dahil sa kumakalat na nakakahawang sakit na COVID-19.



Tumitimbang si Korina ng 121 lbs. bago pa man magsimula ang naturang lockdown na naging epektibo nito lamang Marso 15. Bumilib ang publiko sa host ng programang “Rated K” nang ibahagi nito sa social media ang kaniyang nais na maging timbang makalipas ang lockdown na 110 lbs.


Ayon sa kaniyang post ang madalas niyang ginagawa ay tumakbo, mag-weights, lumangoy, mag-diet, alagaan ang kaniyang kambal, at matulog ng maaga at maayos. Sa halos tatlong linggo na itinatagal ng ECQ ay 113 lbs na ang kaniyang timbang sa ngayon. Bukod sa sampung mga dive araw-araw ay mas minamabuti rin niyang iwasan ang pagkain niya ng mga matatamis at may carbohydrates na mga pagkain.


Mas marami siyang kinakain na mga gulay. Tunay nga na sa mga panahong ito ay marapat din naman nating pahalagahan ang ating katawan at kalusugan. Umani ng maraming mga papuri at komento mula sa publiko ang ginawang ito ni Korina. Habang mayroon pa tayong sapat na oras at panahon ay mas mabuting gugulin natin ito sa mas kapaki-pakinabang na mga gawain.



Tulad na lamang ng paglalaan ng oras kasama ang ating pamilya sa loob ng ating mga tahanan at ang pagkakaroon ng oras para sa pangangalaga sa ating kalusugan at pangangatawan.

Si Korina María Baluyut Sánchez o mas nakilala ng publiko bilang si Korina Sanchez ay 55 taong gulang na journalist, television news anchor, senior field correspondent, magazine show host, radio anchor at newspaper columnist. Ikinasal siya sa pulitiko at dating senador na si Mar Roxas noong 2009 sa Quezon City. Biniyaan sila ng kambal na anak, sina Pepe at Pilar.






error: Content is protected !!