Pagtatagpo ng isang Pinoy at kasintahan niyang Lithuanian pinag-usapan sa social media



Kadalasan nating nababasa sa mga social media platforms o nababalitaan sa telebisyonco radyo ang mga long distance relationship lalo na ng isang foreigner o dayuhan sa kapwa natin mga Pilipino.



Nakakamanghang malaman na mayroon pa lang mga taong magkaiba man ng lahi ay nagkakasundo, nagkaka-unawaan, nagmamahalan pa rin at nagagawa pa rin nilang maging magkasintahan o magkabiyak. Isa na rito ang kwentong pag-ibig ni Eugene Galang, isang Pinoy, kay Lithunuan national na si Vikachka Chaya Radaviciute.



Naging magkasintahan sila kahit magkalayo sila dahil sa talamak na social media ngayon. Una silang nagkita at nagkasama nang pumunta sa Pilipinas ang kanyang nobya. Nagulat siya dahil hindi niya akalain na mas mabibighani siya sa kanyang nobya sa una nilang pagkikita sa airport.



Agad naman niyang ipinasyal ang kanyang nobya sa mga malapit na tourist destinations sa kanilang lugar na labis na ikinasaya ng nobya. Kasama nila sa kanilang pamamasyal ang pamilya ni Eugene. Lubos man ang kasiyahan ng dalaga nadismaya siya at nalungkot sa mga komento ng ilang netizens patungkol sa panghuhusga sa kanilang pagkikita. Paliwanag ng dalaga na siya ang may nais na makipagkita sa kanyang nobyo at lumipad patungong Pilipinas. Dagdag pa niya na kinailangan niyang magtrabaho para sa kanyang pamasahe at ang kakulangan ay sinagot na ng kanyang nobyo. Nangako din ang kanyang nobyo na wala siyang dapat alalahanin sa kanyang magiging gastusin sa kanyang pagpunta sa Pilipinas kung kaya naman ang baon niyang 200 euro (12,000 pesos) ay hindi na niya nagalaw pa. Mayroon ding mga pasalubong na pabaon ang pamilya ni Eugene para sa kanyang Lithuanian na nobya.


Tunay ngang hindi maipagkakailang magkalayo man sila ng lugar ay bakas pa rin sa kanilang mga mukha ang kasiyahan at kagalakan sa kanilang panandaliang pagkikita. Bagama’t may mga mapanghusgang mata sa kanilang paligid, nananaig pa rin ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

Source:Buzzooks






error: Content is protected !!