Mga astig at kakaibang imprastruktura sa Japan, isa-isahin!

Ang Japan o ang “Land of the rising” ay kilala rin sa mga pagkain na wasabi at sushi, gayundin naman sa maunlad nitong ekonomoya at teknolohiya. Maging ang kanilang arkitektura ay talaga namang hinahangaan sa buong mundo. Napanatili nila at nabigyang halaga ang kanilang nakaraan dahil sa mga arkitekura at iba’t-ibang imprastruktura nila. Ilan sa mga hinahangaang imprastruktura sa Japan ngayon ay ang sumusunod:

1. HOUSE NA IN TOKYO


Aakalain mo bang mayroong tahanan na walang pader? Ito ang “wall-less home” ni Sou Fujimoto ang House Na. Isa itong tatlong palapag na bahay na may sapat na espasyo para sa aklatan, “roof terrace”, at garahe.

2. GARDEN AND HOUSE TOKYO


Maniniwala ka ba na ang hardin at bahay na ito ni Ryue Nishizawa ay mayroong limang palapag sa kabuuang apat na metro lamang na kinatitirikan nitong lupa?

3. BIRD’S NEST ATAMI IN SHIZUOKA


Ito ay pagmamay-ari ni Hiroshi Nakamura isang tradisyunal na tea house na nasa itaas ng 300 taong gulang na Camphor tree.

4. NAKAGIN CAPSULE TOWER IN SHIMBASHI TOKYO


Kamangha-mangha rin naman ang imprastruktura itong kung saan aakalain mo bang mayroong apartment, opisina at storage areas sa loob nito?

5. CHURCH ON THE WATER IN SHIMUKAPPUU-MURA


Tunay ngang kahanga-hanga ang simbahan na ito sa ibabawa ng tubig. Magandanat mainam na lugar ito para sa mga nais magpakasal.

6. TOWER OF WINDS IN YOKOHAMA


Ito ang kauna-unahang interactive structure sa Japan. Mapapansin din ang pag-iiba-iba nito ng kulay dahil sa ang lamps at neon rings nito ay sensitibo sa hangin at tunog.

Talaga namang kahanga-hangang at kamangha-mangha ang mga arkitektura at imprastruktura ng bansang Japan! Hindi mo aakalain kung paano nagawa ng mga tao ang ganoong uri ng bahay, gusali, at pasyalan. Nawa ay mas marami pang humanga sa angking talento ng mga Hapon at mas marami pa ang mapukaw at maingganyang gumawa ng mga kakaiba ngunit astig na mga produkto ng malawak nilang imahinasyon.

Source:JapanInsides



Reply

error: Content is protected !!