Isang lalaki na nabaon sa utang noon, patuloy na nangarap at muling yumaman!



Masarap at masaya mabuhay sa mundong ito ngunit hindi rin naman natin maipagkakaila na habang nabubuhay tayo ay walang tigil ang mga pagsubok sa buhay na ating kakaharapin. Kung kaya naman nararapat lamang na mas maging matatag tayo at huwag basta basta sumuko sa mga hamon ng buhay.



Tulad na lamang ng isang lalaking ito na mula sa Binangonan, Rizal. Kamakailan lamang ay naitampok ni Sherwin Gonzales ang kuwento ngn kaniyang pagbagsak at muling pagbangon sa Kapamilya network. Ayon sa kaniya ay bata lamang siya ay sadyang madiskarte na siya sa buhay. Marami na siyang nasubukang mga pagkakakitaan noon tulad na lamang ng pangongolekta ng mga bote na ibinibenta niya sa mga junk shop upang magkaroon siya ng pera. Maging ang kaniyang mga kaklase ay kinokontrata niya rin upang magpagawa sa kaniya ng kanilang mga proyekto kapalit ng maliit na halaga ng pera.


Makalipas ang ilan pang mga taon ay nakaipon siya kung kaya naman sinubukan niya ang pagnenegosyo ng “buy and sell” ng mga sasakyan. Hanggang isang araw ay nakilala niya ang isang “buyer” na hindi man lang marunong tumawad at tila ba napakarami nitong pera na pangbili ng mga sasakyan. Agad naman siyang nagtaka kung kaya tinanong niya ang lalaki kung ano ang kaniyang trabaho. Laking gulat naman ni Sherwin ng sabihin ng kaniyang buyer na wala itong trabaho ngunit siya ay kumikita ng P600,000 sa loob lamang ng isang linggo.


Dahil dito ay napagdesisyunan niyang umutang sa bangko ng dalawang milyong piso upang maging investment katulad ng sa kaniyang buyer. Noong una ay kumikita siya ng P60,000 hanggang sa P70,000 sa loob lamang ng isang araw. Sa kasamaang palad ay hindi rin ito nagtagal, at ang lahat ng kaniyang kinita, lahat ng kaniyang pera ay tila bula na lamang na nawala.


Nalugmok man siya noon ay patuloy pa rin siyang nangarap, nagsumikap, at ngayon ay nakamtan na niyang muli ang tagumpay. Pinasok niya ang lahat ng trabaho na alam niya upang muli siyang makabangon. Ayon sa kaniya ay walang ibang gagawa ng mga bagay na ito para sa iyong sarili at walang ibang gagawa ng kwento ng iyong pagtatagumpay kundi ang iyong sarili lamang.






error: Content is protected !!