Mga Bansang Visa Ay Hindi Na Kinakailangan



Pangarap ng maraming Pilipino ang maka-pasyal sa ibang bansa. Sa kagustuhang mapasyalan ang mga sikat na lugar, maranasan ang klima, matikman ang pagkain, at makakilala ng ibang lahi.



Ngunit hindi ito ganoon kadali para sa iilan. Ang pamamasyal sa ibang bansa ay dumadaan sa maraming proseso at kinakailangan ng maraming pera. Isa pa sa mga hindi madaling iayos sa proseso ay ang pag-approve ng Visa.



Ang Visa ay kinakailangan sa pagpunta sa ibang bansa dahil nakasaad sa dokumentong ito kung ano ang magiging pakay mo sa bansang pupuntahan at kung gaano katagal mamamalagi. Ang pag-approve ng Visa ay tila bang isang butas ng karayom sa iilan. Sa sobrang dami ng mga kina-kailangang dokumento at tagal ng proseso, ang ilan ay hindi pinapalad. Mayroon kasing mga bansang strikto at protektado sa kanilang bansa.



Ayon sa Passport Index na inilabas ng International Financial Firm Arton Capital, mayroong mga bansa na hindi na kinakailangan ng Visa upang makapasok sa kanilang bansa. Kabilang na sa mga bansang ito ang Pilipinas.


Dahil ang Pilipinas ay may Visa-Free Score na 61, nakakahulugan na mayroong 61 na bansa tayong puntahan na hindi na nangangailangan ng Visa. Pang 65th ang Pilipinas sa Ranking ng mga bansa sa Visa na nauuri sa “Moderate Low”. Kumpara sa ibang bansa katulad ng Germany na may puntos na 159 na siyang nangunguna sa Ranking. Pumapangalawa naman ang Sweden at Singapore na may puntos na 158. Pangatlo naman ang United Kingdom, United States, at South Korea na may puntos na 157.




Sa kabila nito, kailangan parin maging masaliksik at matanong sa mga bansang pupuntahan. Mayroon kasing mga bansa na hindi hinahanapan ng Visa sa Pagalis pero hinahanapan naman kapag ikaw ay dumating na sa bansang Pinuntahan.

Kailangan ding makipag-ugnayan sa mga Embassy ng mga bansang pupuntahan upang malaman ang mga bagong polisiya nila.

Ito ang mga bansang pwedeng mapuntahan ng mga Pilipino na hindi na nangangailangan ng Visa:



Visa-Free Access (30 Countries)

Bolivia,Brazil Brunei Cambodia Columbia Costa Rica Cote d’Ivoire (Ivory Coast) Ecuador Fiji Gambia Haiti Hongkong Indonesia Israel Laos Macao Malaysia Micronesia Mongolia Morroco Myanmar Palestine Peru Rwanda Singapore St. Vincent and the Grenadines Suriname Thailand VanuatuVietnam

Visa on Arrival (28 Countries)

Armenia, Cape, Verde Comoros, Djibouti, Dominica, Guinea-Bissau, Iran, Kenya, Kyrgyzstan, Madagasca,r Malawi Maldives, Marshall Islands, Mauritania Mozambique,  Nepal, Nicaragua, Palau, Papua, New Guinea, Saint Lucia Samoa,  Seychelles, Tanzania, Timor-Leste, Togo, Trinidad, and Tobago Tuvalu Uganda

E-tourist visa (3 countries)

India, Tajikistan, Sri Lanka




error: Content is protected !!