Ang mag-asawa ito ang patunay na ang tunay na pag-ibig ay walang pasubaling pagmamahalan sa kabila ng mga kakulangan o kapintasan!



Sabi ng marami, mayroon lamang isang kaligayahan sa buong mundo, ang magmahal at ang mahalin. Ang mahalin ka ng isang tao na kaya kang tanggapin sa kung ano at sino ka. Isang tao na magiging inspirasyon upang patuloy na lumaban sa maraming pagsubok ng buhay. Isang tao na magiging motibasyon mo upang malampasan ang mga pagsubok na kakaharapin mo sa buhay.


Nakakatuwang malaman na mayroong isang tao na kasabay mong magsasaya at magdiriwang sa mga panahong nagtatamo ka ng tagumpay, gayundin naman ang mga panahong makakasama mo siyang umiyak sa mga araw ng kalungkutan. Wala nang hihigit pa sa taong makakatanggap ng lahat ng iyong kapintasan pisikal man o sa ibang aspeto ng buhay.




Marahil ay katulad ito ng kwento nina Mara at Elo na nagpakita kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pag-ibig. Ang mga katagang “Height doesn’t matter” ay talaga namang pinatotohanan ng magkatipan na ito. Kahit pa hindi magkatulad ang kanilang taas ay hindi ito naging hadlang upang magkaibigan silang dalawa.


Pinatunayan ng dalawang ito na sila ay para sa isa’t-isa. Si Mara ay isang magandang dalaga na talaga namang kahit sinong lalaki ay mabibighani sa kaniyang panglabas na anyo. Samantalang si Elo ay isang maliit na binata o kung tawagin ng marami ay pandak ngunit mayroong kakaiba at kamangha-manghang “sense of humor”.



Talaga namang hinangaan ng marami ang kanilang kwento lalo na ang “wedding vow” nila para sa isa’t-isa. Ayon kay Elo, marami siyang tanong siya Diyos. Kung bakit siya, bakit siya pa? Naghihintay siya ng sagot ngunit walang naging sagot sa kaniya. Kaya pala, dahil sa makikilala ni Elo ang isang Mara sa kaniyang buhay. Ayon naman kay Mara, malaki ang naging pasasalamat niya at naroon si Elo para sa kaniya. Ang pinakamahalaga sa kaniya ay ang kanilang pagmamahalan. Pinangako din nito na palagi siyang susuporta para sa kaniyang asawa.


Sa ngayon ay kasal na sila at biniyaan na sila ng isang anak na pinangalanan nilang Liam. Tunay ngang nakakabilib at nakakamangha ang tunay na pag-ibig nila para sa isa’t-isa sa kabila ng kanilang mga kapintasan.





error: Content is protected !!