Inabandona man siya ng kaniyang mga magulang sa estasyon tren noon, isa naman na siyang sikat na mang-aawit ngayon!



Ang pagiging magulang ay hindi madali. Nangangailangan ng matinding pasensiya at pang-unawa, pagkalinga at pag-asikaso sa pamilya at pagtitiyaga at pagpupursige.




Tunay ngang kapag sama sama ang pamilya, walang imposible o mahirap na suliranin. Ngunit paano naman kung ang pamilya o mga magulang na dapat ay inaasahan mo ang nag-abandona sayo? Hahanapin mo ba sila? O magtatanim ka ba ng sama ng loob sa iyong mga magulang?


Ito ay nangyari mismo sa isang estasyon ng tren sa Hunan, China. Isang buwan pa lamang ang sanggol ay iniwan na ito ng kanyang mga magulang sa estasyon ng tren. Ang mag-asawang Kim at Chuck Walker ang mag-asawang umapon kay McKenzie Grace Walker, 13 taong gulang. At sa mura niyang edad ay nagkaroon na siya ng pagkakataong magtanghal sa iba’t-ibang konsiyerto sa mga malalaking tanghalan.



Ayon sa kanyang ama na si Kim Walker bata pa lamang si McKenzie at kinakitaan na siya ng kahusayan sa paggaya ng mga tunog sa kanyang paligid. Isang halimbawa na dito ang paggaya niya sa huni ng alarm clock nila noong sila ay umuwi galing Tsina.
“It happened when we just arrived home from China. The alarm clock went off and McKenzie heard the alarm and walked over to the clock. The alarm was a rooster crowing. She really surprised us when she imitated the crowing sound with the right notes and pitch.”



Taong 2015 naman ng pumirma siya ng kontrata sa Mansion Entertainment kung saan siya nabigyan ng tyansang kumanta ng mga gospel n awitin. Bagamat siya ay isa nang sikat na mang-aawit sa Amerika hindi pa rin siya nakakalimot sa kanyang pinagmulan dahilan upang makipagpartner siya isang international organization na naglalayong makatulong sa mga inabandona tulad niya. Ayon rin sa kanyang mga magulang na umampon sa kanya ang lahat ng nangyayari sa dalaga ay para sa kanya at nakalaan talaga sa kanya. Ayon na rin sa paboritong taludtod sa bibliya ni McKenzie, Jeremiah 29:11 “I know the plans I have for you, plans to give you a hope and a future.”


Source:PinoyPress