Tinanggihan man siya ng babaeng nililigawan niya noon dahil sa siya ay mataba tingnan nyo naman siya ngayon!



Panlabas na hitsura o kaanyuan, yan ang unang napapansin sa karamihan ng mga tao sa ngayon higit sa ugali o personalidad. Mas maganda ka o mas gwapo ka ay nangangahulugan na mas marami kang kaibigan o mas maraming tao ang natutuwa at nagigiliwan sayo.



Ngunit ang pinakamasakit pa doon ay ang tanggihan ka ng babaeng nililigawan mo dahil sa iyong kaanyuan at sa iyong pagiging mataba. Yan mismo ang nangyari kay Mos Sataporn mula sa bansang Thailand.



Tinanggihan o “binusted” siya ng tipo niyang babae sa kadahilang siya ay mataba. Siya ay may timbang na isang daan at limampu’t limang kilo (155 kilo) dahilan rin ito upang siya ay laitin at kutyain ng kanyang mga kaibigan.



Noong araw ay nakakaya at natitiis pa niya ang mga panlalait sa kanya ng kanyang mga kaibigan ngunit dumating ang pagkakataong tinanggihan siya ng babaeng gustung gusto niya kung kaya naman nagpursige siya na magpapayat. Ang unang hakbang na kanyang ginawa ay ang pagkain ng masusustansiya at pag-eehersisyo ng tama. Ayon pa sa kanya ang dahilan ng kanyang labis na pagtaba at pagbigat ng kanyang timbang ay ang pagkahilig niya at pagkaadik sa mga pagkain niya ng mga pagkain na labis sa calories.

Matapos ang isang taon nang pagpupursige at pagtitiyaga na mag-ehersisyo at pagkain ng tama at masustansyang pagkain siya ngayon ay may timbang na walumpong kilo (80 kilo) at patuloy pa itong bumababa dahil pitumpo at limang kilo na lamang siya ngayon.




Sa ngayon ay kilalang kilala na siya sa social media at talaga namang hinahanggan ng maraming kababaihan. Sino nga ba ang mag-akala na ang dating nilalait ngayon ay sikat na at pinagkakaguluhan pa ng mga kababaihan dahil sa ganda at tikas ng kanyang katawan. Isang napagandang halimbawa sa ating lahat na hindi dapat kalimutan na mahalin, ingatan, at pangalagaan ang ating pangangatawan.

Source:PinoyPress




error: Content is protected !!