Iinom na ako ng Buko dahil Iingatan nito ang Buhay Ko! Ito ang ilan sa mga benepisyong makukuha natin sa pag-inom ng Buko



Ang buhay ay ipinagkaloob upang mahalin at ingatan. Katulad na lang din ito sa pag-aalaga mo sa mga importanteng tao at bagay na naka-paligid sa iyo. Pero mas mahalagang alagaan mo ang katawan mo dahil ikaw ang gumagamit nito. Pero marami sa atin ay binabalewala at inaabuso ang katawan. Lalong lalo na ang mga mahilig uminom, manigarilyo, at ilan pang nakakasama sa kalusugan. Totoong masaya ang mga ganitong pangyayari sa iyong buhay, pero baka singilin ka nito bandang huli. Sabi nga ng iba, nasa huli daw ang pagsisisi. Totoo naman! Sino ba ang nagsisi ng umpisa pa lang.

Dahil sa kagustuhang maging malusog at masigla, bumibili tayo ng mga mamamahaling mga bitamina sa mga drugstore o supermarket. Pero may ibang hindi alam na nasa palagid lang natin ang mga kailangan upang protektahan at pangalagaan ang ating kalusugan. Isa na dito ang Buko. Sa dami ng maitutulong ng Buko sa iyong katawan ay baka araw-arawin mo na ang pag-inom nito. Napatanuyan na ito ng Agham.



Ito ang ilan sa mga Benepisyo na makukuha sa Paginom ng Buko:

1. Pinagmumulan ng maraming Nutrisyon



Ang Buko ay nagtataglay ng maraming Bitamina at Mineral. Ilan dito ay ang Bitamina C, Magnesium, Potassium, Calcium, Manganese. Bukod pa sa mga ito, ang Buko Juice ay mayroong 94 porsyento ng tubig.

2. Pinagmumulan ng Antioxidants



Ayon sa ilang pag-aaral, pinagmumulan din ng Antioxidants ang Buko na siyang tumutulong upang ayusin at protektahan ang mga Cells ng ating katawan. Ito ang nagiging dahilan upang mapigilan ang pagkakaroon ng karamdaman.

3. Pinipigilan ang pagkakaroon ng Diabetes




Ang tubig ng Buko ay nakakatulong upang pag-igihin ang blood sugar levels at binabawasan ang oxidative stress. Sinasabi sa pagaaral na ang tubig ng buko ang tumutulong upang pababain ang hemoglobin sa katawan na nakakatulong sa blood sugar control.

4. Paglaban sa Kidney Stones


Ang paginom ng Buko ay nakakatulong upang mapigilan ang pagbuo ng mga crystal at stones sa Kidney. Ayon pa sa pagaaral, ang paginom ng buko ay binabawasan ang pag buo ng free radical sa katawan dahil sa nilalabas nito ang katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

5. Pangangalaga sa Puso




May mga katangian ang Buko na nakakapag-pababa ng cholesterol sa katawan. Kaya ang pag-inom nito ay makakatulong upang mabawasan ang blood cholesterol at triglycerides o taba sa katawan.

6. Pagbaba ng Blood Pressure


Dahil sa katangian na nakakatulong sa pagbaba ng cholesterol, pinapaganda rin nito ang Blood Pressure. Ayon sa isang pag-aaral, mayroong 71 posyento ang nakakuha ng maayos na blood pressure dahil sa paginom ng buko.

7. Mabisa inumin kapag nag-exercise


Dahil mayroon itong 94% ng tubig, ang paginom ng buko ay tinutulungan ka upang hindi mauhaw. Bukod pa dito ay tumutulong ang mga mineral katulad ng Potasium, Sodium, Magnesium, at Calcium sa iyong work-out.

8. Mabisang pinagkukunan para sa Hydration


Ang pag-inom ng Buko ay talagang nakaka-refresh dahil mayroon itong mababang content nito ng calorie. Kahit uminom ka ng maraming buko hindi masisira ang iyong iniingatang katawan

Source:FactNewsPh




error: Content is protected !!