Goin’ Bulilit, Goin’ Dalaga Na Ngayon!



Nagsimula ang palabas na Goin’ Bulilit noong taong 2005 sa ABS-CBN na talaga namang kinagiliwan ng maraming manonood. At hanggang ngayon ay pinapalabas pa rin ito. Nakakatuwa kasing panuorin ang mga batang may angking talento sa pag-arte at pagpapatawa. Sa murang edad ng mga batang ito ay nakakapag-bigay na sila ng kaligayahan sa mga manunood. Ito ang naging kakaiba sa kanilang programa, ang iba kasing comedy shows ay mga beteranong matatanda ang mga gumaganap, pero sa Goin’ Bulilit ay mga batang kagigiliwan dahil sa angking itsura nila at kakulitan.

Iniisip ng iba kung ano na kaya ang itsura ng mga 2005 Goin’ Bulilit cast. Kung anong buhay na ang mayroon sila ngayon.



Ito ang ilan sa mga kinagiliwan nating mga bulilit noon na ngayon ay mga dalaga na:

Kiray Celis


Isa sa mga sikat na cast dati ng Goin’ Bulilit si Kiray Celis. Dahil sa angking kagalingan niya sa pagpapatawa at pag-arte ay maraming bumilib sa kanya. Maaaring ang Goin’ Bulilit ang naging daan ng tinatamasa niya ngayong kasikatan. Ngayon ay napapanood natin siya sa ilang palabas at nagkaroon din siya ng pelikula na kasama si Enchong Dee sa “I Love You To Dea+h” noong taong 2016.



Aaliyah Benisano



Maraming namangha sa kagandahan ng mga post niya sa Instagram. Mapapansin na talaga namang iniingatan ng dating Goin’ Bulilit Cast na ito ang kanyang katawan at kagandahan. Ang dalaga na ito ay isang fashionista at nag-eendorso pa rin ng mga commercials.

Eliza Pineda


Mala-anghel ang itsura ng dalaga na ito bukod pa sa kaputian niya na hinahangaan ng marami. Hindi lang ang itsura ang maganda pati ang kanyang ugali. Nakilala pa ang dalaga na ito dahil sa mga ginanapan niyang mga palabas na “Kung Fu Kids”, “Maria Flordeluna”, at “Mga Anghel Na Walang Langit”.

Kristel Fulgar


Ang dalaga naman na ito ay aktibo sa mga pamamasyal sa ibang lugar na nasusubaybayan ng mga fans sa kanyang social media accounts. Isa rin siyang vlogger at youtuber. Hindi rin matatawaran ang kanyang angking galing sa pagkanta na mapapanuod sa kanyang mga social media accounts. Isa pa rin siyang aktibong artista.

Jane Oineza


Sa kanyang angking ganda at angking galing sa pag-arte, siya umani ng maraming mga parangal. Siya ngayon ay aktibong artista na nageendorse din ng mga commercials.

Mika Dela Cruz


Ang datig cute na bata ay mas lalo pang gumanda ngayon. Dahil sa kanyang maamong mukha ay siguradong maraming lalaki ang mahuhumaling sa kanyang kagandahan.

Miles Ocampo


Ang magandang dalaga na ito ay talaga namang nagpamalas ng aking kagandahan sa pagpapakita ng kanyang swimsuit attire. Hinangaan ng marami ang kanyang post at sinuortahan din ng ibang mga kapamilya stars.

Sharlene San Pedro


Si Sharlene ay multi-talented, Hindi lang siya magaling umarte, magaling din siyang kumanta at mag-gitara. Sa kasalukuyan ay naka-labas na ang kanyang mga album noong 2016-2017. Bukod sa kanyang mga talento ay pinagsasabay niya rin ang kanyang pag-aaral.

Source:TheTrendingPlanet




error: Content is protected !!