Mga Sikat Na Artistang Nakaka-Bilib Ang Liit Ng Baiwang



Ang pagiging Artista o Celebrity ay hindi birong trabaho. Kaakibat ng trabaho nila ang walang humpay na mga shooting at puyat. Kinakailangan din ng mga artistang ito na maging malusog at masigla. Higit sa lahat ay kinakailangan nilang alagaan ang kanilang itsura at katawan. Ito kasi ang kanilang puhunan at showcase sa maraming tao. Ang pagpapanatili ng kanilang katawan ay hindi basta-basta. Kinakailangan ng disiplina, dedikasyon, at pagpupursige sa layuning maging maganda ang pangangatawan. Kina-bibilib din natin ang mga artistang may mga anak pero walang kupas pa rin ang ganda ng kanilang katawan. Pero mayroong mga Artista na talaga namang ibang level ang ginawa nila upang paliitin ang kanilang baiwang.

Ito ang ilan sa mga Artistang may maliit na waistline:



1. Jennylyn Mercado


Napakaraming humanga sa katawan ni Jennylyn Mercado. Sa kabila ng pagiging ina niya sa isang anak ay talaga namang ibang klase pa rin ang kaseksihan niya. Ilan sa mga paraan ng kanyang pagpapanitili ay biking, running, martial arts katulad ng Jiu-Jitsu at Muay-Thai. Siya ay mayroong 24-inch waistline.


2. Maggie Wilson


Sa pamamagitan ng mga ilang activities katulad ng marathon ay napapanatili ni Maggie Wilson ang kanyang kaseksihan. Siya rin ay may anak katulad ni Jennilyn Mercado. Siya ay mayroong 24-inch waistline.


3. Erich Gonzales


Noong nakaraang taon, pinagtuunan ng pansin ni Erich Gonzales ang kanyang butt at abs. Pero ngayon ay tinututukan na niya ang kanyan baiwang sa pamamagitan ng ihersisyo at diet. Ang diet niya ay less-salt at less-sugar. Galing s 26-inch ay 24-inch na ang waistline ngayon.



4. Julie Anne San Jose


Sa pamamagitan ng balance diet at workout niya na 30 minutong stationary bike, pinatunayan ng singer-aktress na ito ang kanyang kaseksihan. Mayroong siyang 24-inch waistline.

5. Julia Barreto


Isa sa mga hinahangaan ngayon ang aktress na ito na galing din sa mga linya ng mga artista. Sa pamamagitan ng tulong ni Bok Santos ang kanyang workout ay nagbunga upang mabigyan siya ng 22-inch waistline at abs.



6. Megan Young


Mas naging sikat si Megan Young noong nanalo siya bilang Miss World. Sa kabila nito ay patuloy niyang pinagaganda ang kanyang katawan sa pamamagitan ng workouts katulad ng Pilates at Weightlifting. Ngayon ay mayroon siyang 22-inch na waistline.

7. Pia Wurtzback


Isa pang kilalang-kilala na beauty queen ay si Pia Wurtzback na pinanatili ang kanyang magandang katawan sa pamamagitan ng gym workout at pagkain ng katamtaman lang. Siya ay mayroong 23-inch waistline.

8. Sam Pinto


Sa pamamagitan ng Yoga at Surfing, napanatili ng Artistang ito ang kanyang kaseksihan. Siya ay mayroong 22-inch waistline.

9. Rhian Ramos


Sa pamamagitan ng plank exercise ay nagkaroon ng 22-inch waistline ang aktress na ito.

10. Lovi Poe


Sa pamamagitan ng Pilates ay mayroong 21-inch waistline ang aktress na ito.

11. Marian Rivera


Ang kapuso aktress na ito na may anak na rin ay may nakaka-bilib na waistline na 19-inch.

12. Kris Bernal


Isa pa sa mas nakaka-bilib ay ang aktress na ito. Mula sa pagkakaroon ng 22-inch ay mayroon siyang 18-inch na waistline ngayon. Ito ay sa pamamagitan ng pag-improve ng kanyang calorie-intake.

Source:TheTrendingPlanet




error: Content is protected !!