5 mga bagay na dapat at hindi mo dapat bilhin sa Divisoria, isa-isahin!



Kilala tayong mga Pilipino sa mahabang pagdiriwang ng Kapaskuhan higit sa iba pang dayuhang lahi. Kalakip ng pagdiriwang ng Pasko ay pamimili ng regalo at iba pang pamasko. At ang Divisoria ay lubos na kilala sa mga bagsak presyong pamasko at iba pang bilihin ngunit alam mo bang may mga bagay na maaari kang bilhin sa Divisoria at may mga bagay naman na hindi ka dapat bilhin? Alamin sa mga paalaalang ito:

Mga dapat at maaaring bilhin sa Divisoria:



1. Damit


Hindi maipagkakaila na marami mang tiangge at mga sale items sa mga malls, iba pa rin ang diskwento at bagsak presyong mga damit sa Divisoria. Kilalang bagsakan ng mga supplies ang lugar na ito kung kaya naman kung mas marami ang iyong bibilhin ay mas mainam at tiyak na makakadiskwento ka pa.


2. Tela


Gaya ng damit, tela ang isa sa dinadayo ng mga mamimili sa Divisoria. Hindi lamang sa murang presyo at kalidad ng mga ito, ngunit sa pagkakataong makipagtawaran pa sa mga tindera at makuha sa mas mababang halaga ang tela na iyong bibilhin.


3. Laruan


Isang shopping haven ang Divisoria para sa mga kabataang edad 5 hanggang 10 taon. Ngunit, huwag bumili ng mga laruan para sa mga batang nagngingipin dahil sa delikado ito.



4. DIY Souvenirs


Kung mas nais mo naman ang gumawa ng sarili mong pang-regalo mas mainam na bumili ng maramihan sa Divisoria, tiyak na lahat ng kailangan mo ay nandito na.

5. Office and School Supplies


Marami din naman ang mga school supplies dito kung saan mas mura mong mabibili ang mga ballpen, lapis, papel at iba pang mga gamit. Ngunit dahil nga sa murang presyong ito, wag ka nang magtataka na ito ay papalya na matapos ang ilang gamit.



Mga hindi dapat bilhin sa Divisoria

1. Mga gamit o laruan para sa mga batang nagngingipin.


Ang mga mumurahing laruan sa Divisoria ay minsan nang napatunayan na nagtataglay ng lead na maaaring walang epekto o masamang dulot sa mga 5 taong gulang ngunit lubos na makakasama sa mga sanggol.

2. Make-up


Hindi mainam na bumili ng make up sa Divisoria dahil sa karamihan sa mga binebentang make up dito ay “counterfeit” o peke. Mas mabuti na ring maging maingat lalo na’t sa balat ito inilalagay at maaaring magdulot ng allergy o pagpapantal.

3. Gadgets


Tulad ng makeup, hindi rin inirerekomendang mamili ng mga gadgets sa Divisoria dahil sa karamihan sa mga ito ay hindi pumasa sa mga kaukulang ahensya para sa kalidad at masusing pagbusisi ng materyales.

4. Appliances


Karamihan din sa mga kagamitang pambahay o appliances sa lugar na ito ay walang Import Commodity Clearance Sticker na nagpapatunay na ito ay ligtas at nasiyasat nang mabuti ang kalidad.

5. Processed Foods


Dahil sa kilala ang lugar na ito sa mga pekeng gadgets, at iba pang kagamitan pakaiwasan din bumili ng mga processed foods para na rin sa kaligtasan mo at ng iyong pamilya.

Source:GoodNewsPilipinas




error: Content is protected !!