Sino itong kakambal daw ni Barbie Imperial na housemate ni Kuya sa PBB Otso?



Si Barbie Concina Imperial o mas kilala sa industriya ng show business bilang si Barbie Imperial, 20 taong gulang, isang Pilipinang aktres at modelo na nakilala sa ilang natatangi niyang pagganap sa mga pelikula at telebisyon. Nakilala rin siya sa katatapos lamang niyang programa sa Kapamilya network na pinamagatang “Araw Gabi” tampok ang kanyang katambal na si JM de Guzman.


Ngayon ay usap usapan sa socila media ang kanyang pagkakahawig sa isang PBB housemate ng bahay ni Kuya na si Karina Bautista. Magmula sa mapungay nitong mga mata hanggang sa makinis at maputi nitong balat, hindi nga maipagkakaila ang pagkakatulad ng dalawa.




Sa kasalukuyan, si Karina ay nanalo sa weekly challenge ni Kuya na tinawag na “Messy Painting” kasama ang kanyang kakampi na si Seth Fedelin. Napahanga nila ang mga hurado ng buong puso silang sumayaw at nagpinta sa bakanteng canvass habang sumasayaw sa kanta ni Moira dela Torre na “Tagpuan”. Dahil sa sila ang nagwagi sa nasabing hamon, nagkaroon sila ng pagkakataon na bigyang regalo ang isa sa mga mahal nila sa buhay.


Marami ang naantig sa kwento ng buhay ni Karina. Ayon sa kanya, nais niyang regaluhan ang kanyang mamita dahil simula pa lang ay tinuring na siyang anak kahit pa hindi sila magka-ano ano at hindi sila magkadugo. Ayon pa sa kanya bagamat sa murang edad ay namumuhay siya ng malayo sa kanyang ama at ina dahil sa sila ay parehong nasa ibang bansa, lubos pa rin ang kanyang pasasalamat at kaligayahan na mayroon siyang mamita na aalalay at gagabay sa kanya.


“Yung dalawang parents ko ay abroad… and yun mga relatives ni mama nasa Isabela sila but hindi kami masyadong magkasundo kaya wala ako sa bahay and nag apartment ako. Parang kasama ko dun ay si yun, si mamita. Mamita ang tawag ko sakanya.”

Bagamat may kabigatan ang kanyang hinaharap sa buhay, mapalad pa rin siya dahil may mga tao pa rin na nagmamahal at gumagabay sa kanya hindi man sila magkadugo o magkamag-anak.


Source:ManilaFlash




error: Content is protected !!