Kahit Mag-Isa, Tinataguyod Pa Rin Nila Ang Kanilang Mga Anak! Ilan Sa Mga Single-Parent Na Celebrities



Ang hirap talaga makahanap ng “Forever”. Ayan ang madalas sabihin ng mga taong natatakot o nahihirapang makahanap ng kanilang mapapangasawa. Minsan naman ay akala mong forever na, bigla namang nawawala na parang isang bula. Ang masakit pa minsan ay nagka-anak na kayo tapos bigla kang iiwanan.
Pero ito ang realidad ng buhay. Punong puno ng pagsubok. Tila ba parang lagi tayong sinusubukan ng panahon. Pero mayroon namang ilan na sa kabila ng hiwalayan ay pinag-papatuloy pa rin ang buhay para sa kanilang mga anak.

Ito ang Ilan sa mga halimbawa ng mga artistang mag-isang tinaguyod ang kanilang anak:



1. Andy Eigenmann


Naging controbersyal ang pag-alam sa tunay na ama ni baby Ellie na anak ni Andy Eigenmann. Noong una ay si Albie Casiño pero noong nagkaroon ng DNA test nakumpirma na si Jake Ejercito ang ama.


2. Jennylyn Mercado


Si baby Jazz ay ang anak ni Jennylyn Mercado kay Patrick Garcia


3.Jodi Sta. Maria


Isa si Jodi Sta. Maria sa mga matagumpay na artista ng ABS-CBN. Kahit na busy sa trabaho ay binibigyan niya pa rin ng oras ang kanyang anak na si Thirdy na nakita na rin nating nag-commercial.



4. LJ Reyes


Si Ethan naman ang anak ni LJ Reyes kay Paulo Avelino

5. Sunshine Dizon


Kahit na hiniwalayan ng kanyang asawa na si Timothy Tan, pinagpatuloy pa rin ni Sunshine Dizon itaguyod ang kanyang dalawang anak.



6. Sunshine Cruz


May tatlong magagandang anak si Sunshine Cruz kay Cesar Montano na ang mga pangalan ay Angeline Isabelle Manhilot, Angel Francheska Manhilot, Samantha Angeline Manhilot. Mag-isa niya ring tinataguyod ang kanyang mga anak.

7. Geneva Cruz


May dalawang anak si Geneva Cruz na solo niyang pinalaki. Sila ay si Heaven na isang Nursing Student at si London.

8. Ruffa Gutierrez


Hiwalay din si Ruffa Gutierrez sa kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas. Pero kahit hiwalay magisa niyang pinalaki ang kanyang dalawang dalaga.

9. Denise Laurel


Maraming nagulat sa ibinalita ni Denise Laurel na isa siyang Single-mom. Ngayon ay ibinabahagi na niya ang litrato ng kanyang gwapong anak.

10. Ciarra Sotto


Hiwalay din sa asawa si Ciarra Sotto sa kanyang dating asawa na si Jojo Oconer. Magisa niyang tinataguyod ang kanyang anak na si Crixus.




error: Content is protected !!