Aakalain mong makitid at masikip ang bahay na ito, ngunit magugulat kang makita ang lawak ng loob nito!



Pangarap ng nakararami ang magkaroon ng bahay at lupa. Hindi maipagkakaila na nakatatak na ito sa puso at isipan ng bawat Pilipino. Pangarap ng mga magulang na magkaroon ng tahanan na masasabi nilang pag-aari talaga nila kaysa ang makitira sa iba o mangupahan sa ibang lugar.



Gayundin naman ang pangarap ng mga anak na namulat sa hirap ng buhay, pangarap nila na makatulong at makapagpundar ng sariling tahanan di lamang para sa buong pamilya ngunit higit sa lahat ay para sa kaniyang mga magulang.


Ngunit paano kung ang lupa na iyong naipundar ay kasingkitid at kasingliit nito? Paanong disenyo kaya ang uubra upang maging maayos at maganda ang iyong “dream house”? Isang bahay sa Suginami, Tokyo, Japan ang nakapukaw sa atensyon ng mga netizens.


Isang nagngangalang Mizuishi Atelier ang nagdisenyo ng bahay, siya ay isang arkitekto. Ito ay may sukat na 594 square foot at nakapagitna pa sa ilog at kalsada kung kaya naman sadyang mahirap ang makapagdisenyo ng malawak at malaking bahay.

Nag-isip ng paraan ang arkitekto upang makagawa ng bahay para sa kanilang mag-asawa at isang anak na babae mula sa maliit na espasyong ito. Sa pinakababan bahagi ng bahay ay may isang kwarto at sala naman sa unang palapag. Mayroon din itong mezzanine para makapaglaro ang kanilang anak na babae. Ang kanilang tahanan ay nilagyan rin ng malalaking bintana para sa maliwanag at maaliwalas nilang bahay. Mayroon namang tatlong upuan at isang lamesa, refrigerator at lutuan an kanilang kusina. Maging ang kanilang banyo ay sobrang nakamamangha rin kung paano nagkasya sa kanilang tahanan.

Maraming mga netizens ang nagulat at hindi maiwasang mamangha sa ganda at laki ng loob ng bahay na ito. Sinong mag-aakala na ang inakalang mong maliit at makipot na bahay, grandiyoso at malaki pala sa loob. Tunay ngang maaari kang madaya sa panlabas na kaanyuan.

Source:TheRecoveryCrate






error: Content is protected !!