Isang Binatilyo Ay Pinag-diwang Ang Kanilang Anibersaryo Ng Kanyang Yumaong Kasintahan



Sa mga nagmamahalan, naging mahalaga na sa kanila ang ipagdiwang ang mahalagang araw katulad ng anibersaryo. Ang araw kasi na ito ang nagpapaalala ng kanilang pagmamahalan. Lubos na ikinasasaya ng mga nagmamahalan ang araw na ito dahil sa kinatagal ng kanilang pagsasama.



Ang iba pa nga ay ipinagdiriwang din ang “Monthsary” na kung saan ay nagiging maligaya sila sa bawat buwan na lumilipas na magkasama sila. Karaniwan ang ginagawa ng mga nagmamahalan sa araw na ito ay nagpapalitan sila ng mga regalo o kaya naman ay kumakain sa mga gusto nilang kainan. Karapat dapat naman kasing ipagdiwang ito upang mas lalong maging matatag ang kanilang samahan at mas lumalim pa ang kanilang pagmamahalan.

Pero isang naging usap-usapan ngayon sa social media ay ang isang binatilyo na ipinagdiwang niya ang kanilang anibersaryo sa kanyang yumaong kasintahan. Siya ay si Christian Jeremy Miranda, na pumunta sa burol ng kanyang kasintahan upang idaos ang kanilang anibersaryo. Sa pamamagitang ng pagdala ng mga lobo at bouquet ng bulaklak ay pinaramdam niya kung gaano niya kamahal ang kanyang kasintahan. Nagdala rin siya ng banner na kung saan ay nakalagay ang mga salitang: “HAPPY 2ND ANNIVERSARY BY”.

Sa kanyang post ay ibinahagi niya kung gaano niya kamahal ang kanyang yumaong kasintahan. Ayon sa post:

“Mahal na mahal kita, by, sobra alam mo naman yun at alam ko din na ganun ka sakin. Magiging ok ako para sayo promise yan. Pag bubutihin ko lahat ng ginagawa ko, kahit mahirap pa sa ngayon. Pipilitin ko maging ok kaagad dahil alam kong ayaw mo kong nag kakaganito. Lagi mo kong babantayan baby ah?”

Maraming netizens ang nakiramay at naki-simpatya sa nangyari sa kanyang kasintahan. Ang ilang mga netizens ay nag-alay ng panalangin at nagsabi ng condolence sa binata at sa magulang ng yumaong dalaga. Ang iba naman ay tinagged ang kanilang mga partners upang paalalahanan na ingatan ang kanilang kalusugan.

Ang ginawa ni Christian ay pagpapatunay ng wagas niyang pagmamahal sa kanyang kasintahan. Masakit mang tanggapin ang mga nangyari, pero kailangan paring ipagpatuloy ang buhay. Tanging mga alaala na lamang ng mga panahong nagmamahalan ang magiging sandigan mo upang maging matibay na tao.





error: Content is protected !!