Jessy Mendiola nakasama nang muli ang kanyang kapatid makalipas ang limang taon



Pamilya, ang tunay na pundasyon ng isang indibdwal. Pamilya na siyang kasama mo sa hirap at ginhawa ng buhay mula sa pagkabata hanggang sa huling sandali ng iyong pagkabinata o pagkadalaga. Minsan nga ay kahit may pamilya na kadalasan pa ring pumipisan ang mga anak sa kanilang mga magulang.



Yan ang mga Pilipino! Hindi katulad sa ibang bayan o sa mga dayuhan na pagtungtong ng 18 anyos ay kinakailangan na nilang bumukod. Kung kaya’t ganoon na lamang ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa ating pamilya.

Isa na rito ang 25 taong gulang na aktres ng Kapamilya network at tinanghal bilang Number 1 Sexiest Woman in the Philippines ayon sa FHM magazine. Hindi man naging buo ang kanilang pamilya dahil sa kataksilan ng kanyang ama hindi pa rin nawala ang kanilang komunikasyon ng dalawa pa niyang kapatid na sina, Pamela at Megan.



Si Pamela ang kanyang nakatatandang kapatid habang si Megan naman ang kanilang bunso. Matapos ang limang taon na hindi pagkikita ay muling nagkasama ang magkapatid sa Japan o mas kilala rin bilang “The Land of the Rising Sun”. Ayon sa aktres mas naging malapit sa Pilipinas ang kanyang ate kung kaya naman mas magiging madali na para sa kanya ang bisitahin ang kanyang ate kaysa dati.



Ayon pa sa aktres maganda pa rin ang kanyang kapatid kahit pa na ngayon ay isa na siyang ina at asawa.


“Finally got to see my ate after 5 years!!! Sobrang namiss ko siya! Sobrang bilis ng panahon, huling naalala ko dalaga ka pa. Ngayon mommy and wife ka na! Love you ate Pampuy! I’m so glad you moved to Okinawa, mas malapit ka na samin! P.S. ganda mo padin kahit haggard ka na sa motherhood lols!”

Mapapansin rin sa mga social media accounts ng aktres ang lubos niyang kaligayahan at kagalakan na ngayon ay nagkita na silang muli at mayroon na rin siyang pamangkin na tatawag sa kanya ng tita.

Ang kanyang ate Pamela ay mayroon nang isang sanggol na babae at kasama din nila sa Japan ang kanyang asawa na si Rich Martinez. Makikita din naman na kasama rin ni Jessy ang kanyang kasintahan na si Luis Manzano.






error: Content is protected !!