Anak na babae ni Lito Lapid, kilalanin!



Kadalasan na nating nakikita sa mga balita at telebisyon ang ilan sa mga sikat na pangalan ng mga kabataang artista sa industriya ng show business na talaga namang kakikitaan mo ng husay at galing sa kanilang larangan. Hindi rin natin maipagkakailang nagtataglay rin naman sila ng angking mga kagandahan. Ilan na rito ang mga Kapamilya stars na sina Liza Soberano, Nadine Lustre, Kathryn Bernardo, at marami pang iba.

Ngayon, bigyang daan naman natin ang mga bagong sibol at bagong mukha sa industriya ng show business. Lingid sa ating kaalaman karamihan sa kanila ay anak ng mga iniidolo nating mga artista. Tulad na lamang ng anak na babae ni Lito Lapid na si Maria Ysabel Ortega-Lapid, o mas kilalang Ysabel Ortega.


Nasaksihan natin ang galing niya sa harap ng kamera sa katatapos lamang na programa ng Kapamilya network na Precious Hearts Romances Presents Araw, Gabi. At kung gusto mo pa siyang mas makilala, ito ang ilan sa mga impormasyon tungkol sa kanya:

Sa murang edad na 16 nagsimula siya sa industriya at pagtatapat niya sa isa sa mga panayam sa kanya naging pagsubok para sa kanya ang pagganap sa karakter niya bilang isang lasing na 24 anyos na dalaga. Bagamat wala pa siyang karanasan tungkol sa kanyang pinakaunang karakter, nagsumikal siya magampanan ito n maayos at sa tulong na rin ng mga kapwa niya artista naging matagumpay ang kanyang unang pagganap.



Si Ysabel ay anak ng beteranong aktor na si Lito Lapid na kasalukuyan din namang mapapanuod sa kilalang palabas ng Kapamilya network tuwing gabi ang “FPJ’s: Ang Probinsiyano”. Ang kanyang ina naman ay dating aktres at mang-aawit at ngayon ay isa nang Assistant Secretary ng Department of Social Welfare and Development.

Mayroong stepfather si Ysabel na talaga namang malapit rin sa dalaga. Siya si Greg Pimentel ang Philippine National Police Director for Intelligence. Hindi na niya itinuring na iba si Ysabel bagkus ay tinrato niya ito ng parang isang tunay na anak. Lumaki ang dalaga sa poder ng kanyang ina.

Sa kabilang banda malapit noon ang dalaga sa kanyang ama na si Lito Lapid ngunit bigla na lamang nagkaroon ng distansiya sa dalawa. Paglilinaw ng aktres sa isa pang panayam sa kanya, wala siyang hinanakit sa kanyang ama bagkus ay ito ang ginawa niyang huwaran sa lahat ng kanyang ginagawa lalo na ang pag-arte.


Source:Ptama, Instagram




error: Content is protected !!