Naalala mo ba si Ate Glow noon? Ito na pala ang buhay niya ngayon!



Tadhana. Kadalasang nasisisi dahil sa ilang kamalasan sa buhay o minsan din naman ay pinasasalamatan dahil sa biyayang natamo. Maging sa buhay pag-ibig ng karamihan hindi pa rin makakaligtas ang salitang tadhana. Tadhana rin kayang maituturing ang naging karanasan ng dating kilalang komedyante at gumagaya sa dating pangulo ng bansang Pilipinas, dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na si ate Glow?



Tunay ngang napakalaki na ng naging pagbabago sa buhay at hitsura ng dating kilalang personalidad sa industriya ng show business na si Renee Hampshire. Nagtungo si Ate Glow sa London upang makipag-ayos sa dati niyang kasintahan, lingid sa kanyang kaalaman na ito pala ang magiging daan upang makilala niya ang taong magpapatibok ng kanyang puso at magpaparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal. July 2, 2016 nang magpakasal si ate Glow at kanyang partner na si Ginoong Hampshire.


Ang kanilang pag-iisang dibdib ay naganap sa Chelsea Registry Office sa London, United Kingdom. Ipinagdiwang nila ang kanilang kasal kasama ng kanilang malalapit na pamilya at kaibigan.

Sandali siyang nagbakasyon sa Pinas matapos ang kanilang kasal at nagkaroon ng pagkakataong paunlakan ang panayam sa isang kilalang programa sa telebisyon. Paglilinaw ng dating komedyante ay hindi raw sila nagkakilala sa “online dating app” kundi sa online app para sa mga taong mahilig sa wine o alkohol. Dagdag pa niya madalas na raw nitong nila-like ang mga larawan o maging ang mga lugar o kainan na kanyang pinupuntahan.


Nataon pa raw noon na may palabas o show siya sa Italy at nang siya ay bumalik sa London nagkasundo silang magkita. Patuloy pang kwento ni Ate Glow na nag-effort si Mr. Hampshire na siya ay mayaya na kumain sa isang magandang restaurant. Ito ang naging simula ng maganda at malalim nilang pagtitinginan.

Tunay ngang nakakakilig at nakakainggit ang kwento ng pag-ibig nina Ate Glow! Tiyak na marami ang mamamangha at patuloy na aasa at panghahawakan ang salitang pagmamahal.




error: Content is protected !!