Mga Batang Umiiyak Sa Tapat Ng Mang Inasal, Hindi Na Binalikan Ng Kanilang Ina!



Nakaka-awang isipin ang naging kalagayan ng dalawang batang ito. Pinangakuan sila ng ina na babalikan sila at sinabi lang na bibili lang ng payong. Ngunit tumagal ang limang oras at hindi pa rin bumabalik ang kanilang ina. Dahil sa katagalan at gutom, sila ay umiiyak sa tapat ng isang kainan.

Ayon kay Myleen DelosReyes De Villar, ibinahagi niya ang post na kung saan ay nasaksihan niya ang sinapit ng dalawang bata sa Mang Inasal sa People’s Park, Valenzuela City. Ayon pa kay Myleen, may mga lumalapit na mga tao upang tanungin ang mga bata kung anong nangyari at bakit sila umiiyak. Sa litrato ay makikita rin na nilapitan na rin sila ng mga taga-Mang Inasal.

Sa kwento ng nakaka-tandang bata, sinabi niya na taga-tondo sila. Dumating sila ng Mang-inasal ng 6AM na kasama ang kanilang ina. Hinabilinan sila na maiwan sa lugar na iyon sa dahilang bibili lamang ng payong. Ang magkapatid ay nagtiwala sa kanilang ina at nag-antay. Dahil sa gutom at kaba hindi na nilang napigilang umiyak.

Naawa ang mga staff ng kainan at mga nakapansing tao sa naging kalagayan ng dalawang bata. Kaya naman binigyan sila ng makakain. Pinost ni Myleen ang litrato sa Facebook upang matulungan ang dalawang bata na makita ng kanilang ina o kahit sinong kamag-anak. Ayon pa sa post, gusto na sanang umuwi ng dalawang bata ngunit hundi nila alam kung paano umuwi. Isa pa ay malayo ang Valenzuela sa Tondo.

Sana ay mahanap na sila ng kanilang magulang o kamag-anak. Lalong lalo na at maliit pa ang isang bata. Ang kapansin-pansin lang ay ang upuan na gamit ng batang lalaki. Hindi naman ito galing sa kainan dahil maliit lang at pambata. Marahil ay marami tayong naiisip sa pangyayaring ito.

Pero kung ano man ay sana maging ligtas ang mga batang ito sa kahit anong kapahamakan. Ang hirap isipin na kayang iwanan ng isang ina ang kanyang mga anak. Nakakatuwa lang ay napatunayan nating likas sa ating mga Pilipino ang pagiging matulungin. Kasama na rin ang panawagan ni Myleen sa Social Media upang kumalat at umabot sa magulang o kamah-anak.






error: Content is protected !!