Ang Taglay Na Kagandahan Ng Isang 20 Taong Gulang Na Anak Nila Mariz at Ronnie Ricketts



Sa mundo ng showbiz, kadalasan ay ang nagkaka-tuluyan ay kapwa din nilang artista. Talaga naman kasing nakaka-tulong ang kanilang trabaho upang magustuhan nila ang isa’t isa. Hinahangaan natin ang mga dating artista na nakagawa ng pangalan sa ganitong industriya. Ang ilan pa sa mga batikang mga artista ay aktibo pang nakikita ngayon sa telebisyon at sa sinehan. Kaya naman naiisip natin minsan kung sakaling magka-anak ang mga ito, maaaring mapabilang din sa pagiging sikat katulad nila.



Isa sa mga batikang aktor na nakapangasawa din ng artista ay si Ronnie Rickets. Si Ronaldo Naldo Ricketts na mas kilala natin sa Ronnie Rickets ay isang sikat na sikat na aksyon star noong mga taong 80’s. Napangasawa ni Ronnie ang kanyang nakakapareha sa pelikula na si Mariz na isa ring singer. Si Ronnie Rickets ang dating President of the Philippine Film Actors Guild, at dati ring Chairman of Optical Media Board (OMB), Philippines. Bukod pa sa pagiging aktor ay isa rin siyang script writer, film director, at line producer. Isa sa mga sobrang hinangaan sa aktor na ito ang kanyang angking galing sa martial arts.

Tunay na pinag-pala ang pamilya ni Ronnie at Mariz Ricketts. Pinagkalooban sila ng dalawang magagandang anak na ang pangalan ay Raechelle Marie at Marella Rosabelle. Pero ang maingay ngayon sa social media ay ang 20 na taong gulang na babae na si Raechelle Marie. Dahil sa mga larawan na ibinahagi sa Instagram ay talaga namang mabibighani ka sa kagandahan ng dalaga.

Talaga namang masasabi natin na “kung ano ang puno ay ganoon din ang bunga”. Siguradong magmamana sa magulang ang kagandahan ng kanilang anak. At kahit anong mangyari ay ipagmamalaki ka at ipagyayabang ka ng iyong magulang.

Katulad ng kanyang ama, Si Raechelle Marie ay mahilig mag-work out at mag-boxing. Ito marahil ang naging dahilan ng pagkakaroon ng magandang hugis katawan ng dalaga. Madalas pa ay sabay na ginagawa ng mag-ama ang mga ganitong training. Talaga namang anak talaga siya ng isang aksyon star.

Kapag sinilip mo ang kanyang Instagram Account, mapapansin mo talaga ang ganda ng kanyang katawan. Isama mo pa ang maganda niyang itsura na nagmana sa kanyang magulang. Karaniwan sa mga litrato ay mga bikini photos at mga selfie. Ang kagandahan niya ay natural at talagang hahangaan ng maraming kalalakihan. Artistahin talaga ang datingan!

Kahit na sinabi ni Raechelle Marie na wala sa isip niya ang pumasok sa mundo ng showbiz, maraming mga taga-hanga ang nanghihinayang sa kanyang potensyal. Malay natin, balang araw, makita natin si Raechelle Marie sa mga palabas upang sundan ang yapak na tinahak ng kanyang mga magulang.

 





error: Content is protected !!