Naging inspirasyon ang dalaga sa iba pang netizens matapos nitong tulungan ang isang matandang lalaki



Likas sa ating mga Pilipino ang tumulong sa mga nangangailangan. Kilala rin naman ang ating lahi sa pagtutulungan at “bayanihan”. Ngunit sa panahon natin ngayon marami rin namang mga tao ang sadyang mapanghusga at hindi naiisip ang nararamdaman ng ibang tao sa kanilang paligid. Hindi alintana ng ilan ang mga mapanakit na salita, mga mapanghusgang tingin at walang pakundangang masasamang gawain sa ibang tao.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ng isang dalaga na buong pusong tumulong sa isang matandang lalaki. Marie Espiritu ang pangalan ng dalagang tumulong sa pobreng matanda na naglilinis ng kanal at nangongolekta ng basura, umaraw man o umulan. Sa kabila ng mga mabubuting gawa ng matanda na hindi humihingi ng kapalit ay nagawa pang pagsalitaan siya ng ibang tao ng masasakit na salita tulad ng baliw, siraulo, at wala sa katinuan.



Marami ring nagsasabi na hindi maganda ang pagtrato ng ibang tao sa matandang lalaki kung kaya lagi nitong dala ang mga kwadro niya ng kanyan mga sertipikasyon at mga larawan. Sinasabi man ng iba na nasisiraan siya ng bait patuloy pa rin siya sa kanyang mga gawa na paglilinis ng kanal at pangongolekta ng mga basura.

Sinorpresa ni Marie kasama ng ilan pa niyang mga kaibigan ang matanda at dinalhan nila ito ng cake para sa kanyang espesyal na araw. Labis ang tuwa at kagalakan ng matanda sa natanggap niyang surpresa. Namulat rin ang marami sa kahalagahan ng pagtulong at negatibong epekto ng labis na panghuhusga sa kapwa.


Nawa ito ay maging paalala sa maraming indibidwal lalo na at nalalapit na naman ang Kapaskuhan. Ang araw na ito ay mahalagang araw sa ating mga Pilipino kung saan ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesu Kristo.


Paalala rin ito at simbolismo ng pagmamahalan at pagbibigayan ng bawat isa.