Sinabihan ng isang netizen na panget ang anak ni Paul Jake Castillo, agad namang sinagot ito ng sikat na celebrity!



Bilang mga magulang marami na sa atin ang nakapagpatunay na bilang isang ina o ama ay kaya mong magsakripisyo o ibigay ang lahat para sa iyong pamilya at mga anak. Kung kaya naman hindi rin madaling tanggapin na mayroong mga tao na nanakit sa kanila maging sa pamamagitan man ng mga salita o mga gawa. Tiyak na walang magulang ang hindi magtatanggol sa kaniyang anak sa mga panahon na mayroong kumukutya o nanlalait dito.


Natural na sa mga kilalang personalidad sa ngayon ang mabatikos online o sa kanilang mga social media accounts. Kadalasan namang hindi na ito pinapansin pa at pinapalaki ng mga artistang ito. Ngunit hindi rin naman maiiwasan ang mga pagkakataon na sadyang lumalagpas na sa limitasyon ay sumusobra na ang mga taong ito sa kanilang mga sinasabi at mga binibitawang salita. Kung dumarating ang mga ganitong pagkakataon ay napipilitan na ring magsalita at pumalag ang mga kilalang personalidad na ito.




Tulad na lamang ng naging usap-usapan kamakailan lamang tungkol sa naging reaksyon ng isang sikat na personalidad sa isang bastos na netizen ng sabihin nito na panget ang anak ng Kapamilya actor na si Paul Jale Castillo. Ang dating Pinoy Big Brother housemate ay kasal sa aktres na si Kaye Abad. Iniwanan ng mag-asawa ang kanilang karera sa industriya ng show business upang matutukan nila ang kanilang negosyo sa Cebu City.


Kalaunan ay biniyayaan na nga sila ng kanilang panganay na anak na isang baby boy. Sa social media account ng Kapamilya actor ay madalas siyang nagbabahagi ng mga larawan nilang pamilya. Ngunit kamakailan nga lamang ay mayroong komento ang isang netizen na hindi nagustuhan ng aktor. Ininsulto ng nasabing netizen ang kaniyang misis na si Kaye Abad at hindi rin nakaligtas sa panglalait nito ang kanilang anak.



Agad naman itong sinagot ng aktor at sinabing, “Hahaha. Well that’s your own opinion. Hahaha. Kita kits.” Marami namang mga fans at tagahanga ng aktor ang hindi na napigilang sagutin ang bastos na netizen. Mayroon din namang mga tao na pumuri sa ginawang ito ni Paul Jake na hindi hinayaang uminit ang kaniyang ulo at nanatiling kalmado sa kabila ng pang-iinsulto ng naturang netizen sa kaniyang pamilya. Tunay ngang hindi mo mapapatay ang apoy gamit din ang apoy ayon nga sa isang matandang kasabihan.




error: Content is protected !!