Pagkadismaya ng isang OFW na pina-deport naglabas ng hinaing sa social media matapos mawalan ng 42,000 piso, mamahaling alahas at cellphone!



Saludo tayong mga Pilipino sa kapwa natin mga Pilipino na nagsusumikap at nagtitiyaga sa kani-kanilang trabaho sa ibayong dagat. Malayo man sila sa bansang kinagisnan at mga mahal sa buhay, nagagawa pa rin nilang magbanat ng buto at magsakripisyo para sa kanilang mga pamilya.

Ngunit hindi naging maganda ang karanasan ng isa nating kababaya nang siya ay ma-deport at mawalan ng cellphone at mga alahas, dagdagan pa ito ng perang nagkakahalaga ng 42,000 piso! Nadismaya na lamang ang OFW na si Andres Montes na na-deport sa Saudi nang malaman niyang nawawala na ang ilan sa mga mahahalagang bagay sa kanyang bag. Ayon pa sa kanyang kwento, bago raw sila isalang sa immigration process ay ipinaalam na sa kanila ng Saudi Airlines na bawal ang mga ito.



Sa kadahilanang siya ay nadeport hindi na siya nagreklamo pa at naobliga na lamang na gawin ang pinagagawa sa kanya. Sinigurado niya na ilagay ang kanyang pera, alahas, at cellphone sa isang backpack na nakapaloob sa isa pa niyang bag at nilagyan pa niya ito ng tape.

Bukod sa cellphone niyang iPhone at ibang nga relo, kasama sa mga nawalang gamit niya ang kanyang mga singsing, porselas, at 3,000 Saudi Riyals na katumbas ng 42,000 pesos.


Napagdesisyunan niyang ipost sa kanyang social media account ang nangyari sa kanya at kasabay nito ang pagsasampa niya ng reklamo sa mga kinatawan ng Saudi sa NAIA at sa Saudi Airlines na sinabing babayaran nila ang mga nawalang gamit ng OFW.

Ngunit makalipas lamang ang ilang araw ay nagpadala ng mensahe ang Saudi Airlines sa kanya na naglalaman na wala silang pananagutan sa nangyari sa kawawang OFW. Marami ring nadismaya sa naging karanasan ng kababayan nating ito. Sana ay magkaroon din ng katarungan sa mga nawalang gamit at pera ni Andres Montes.




error: Content is protected !!