Mga Dapat Gawin Upang Ang Mapasaya Ang Iyong Misis! Para Ang Pamilya Ay Mas Lalong Tumibay!



Ang pagsasama bilang magasawa ay dumadaan sa maraming sitwasyon kung saan ay sinusubok ang pagmamahal ng bawat isa. Hindi mapipigilan ang mga pangyayaring ito na dumarating paminsan-minsan. Dahil sa pagkakaiba ng pagiisip at personalidad, nagiging dahilan ito sa mga hindi pagkaka-unawaan at nagreresulta sa away.

Pero dahil nagmamahalan kayo at sumumpa na mamahalin niyo ang isa’t isa sa hirap man o ginhawa, kailangan ay magintindihan at panatilihin ang pagmamahalan.



Isa ring susi sa pagkakaroon ng masayang pamilya ay ang pagpaparamdam ng pagmamahal. Dapat lamang na pangunahan ng mga mister ito dahil nasa katangian ng isang lalaki ang pagiging matatag at sandigan ng pamilya.

Kaya ito ilang mga paraan upang mapasaya mo ang iyong asawa:


1. Pagsabi ng “i love you” o “mahal kita” ng madalas


Ang pagsabi ng “Mahal Kita” o “I love you” ng madalas ay malaking tulong upang maparamdam mo sa iyong kapareha. Tandaan hindi manghuhula ang inyong misis. Karaniwan kasing sinasabi ng ilang mister ay “Alam mo na yon!”. Ito ay mali. Mas mararamdaman ng iyong misis na mahal mo siya kung sasabihin mo ito sa kanya ng totoo at galing sa puso.


2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space


Ang pagbibigay ng kalayaan sa iyong misis na gawin ang bagay na magpapasaya sa kanya ay malaking tulong upang maramdaman niya ang pagunawa at pagmamahal mo. Hayaan mo siyang magpa-manicure, magpunta sa salon, magpaganda dahil ang mga ito ay magbibigay sa kanya ng tiwala sa sarili.



3. Tumulong sa mga gawaing bahay


Hindi ka pinakasalan ng iyong asawa para maging alipin mo. Mas makakabuti kung palagi mo siyang tutulungan sa mga gawaing bahay. Sa ganitong paraan ay maipaparamdam mo sa kanya na “Ang Paghihirap Mo Ay Paghihirap Ko rin”.

4. Magbigay ng oras para sa inyong dalawa


Isang malaking bagay ang minsan ay iparamdam mo sa kanya ang mga dati mong ginagawa noong kayo ay nanliligaw pa lang. Mag-set minsan ng isang date na maipaparamdam mo sa kanya ang pagiging malambing at mapagmahal na asawa.



5. Huwag siyang “i-take for granted” o bina-balewala


Bilang magasawa, dapat ay binibigay mo ang iyong suporta at pagunawa sa kanya. Mas mainam kung pupurihin mo siya palagi. Mas mabuti kong palaging mong sasabihin sa kanya na maganda pa rin siya at mas lalo pang gumaganda. Sa ganitong paraan ay hindi niya papabayaan ang sarili niya.

6. Mag-ayos upang maging kaakit-akit sa kanya


Hindi porket magasawa na kayo ay ok na kahit magiba na ang iyong itsura. Mas mainam pa rin kung aalagaan mo ang iyong sarili at maging presentable. Kung makikita niyang nagaayos ka, ganoon din ang gagawin niya para sayo.

7. Iwasan ang tumingin sa ibang babae


Upang maiwasan ang pagkakasala sa asawa, mas mabuting pigilan na ito habang maaga. Huwag ka ng tumingin sa iba. Ganito ang isipin mo: “Ang pinaka-magandang babae sa akin ay ang asawa ko”.

8. Maging tapat sa kanya


Ito ang madalas na nagiging away ng magasawa. Ang hindi pagiging tapat. Dapat ay mapanatili niyo ang tiwala sa isat isa. Malaking tulong ito para mapayagan ka niya sa mga paalam mo na makasama ang iyong mga kaibigan.

Marami pang mga paraan upang maparamdam ang pagmamahal sa iyong asawa. Ang palagi mo lang iisipin: Kapag masaya ang misis mo sa iyo, ibig sabihin nararamdaman niya ang pagmamahal mo.

Source:PhDailyUpdate




error: Content is protected !!