Mga halaman ba makakatulong sa paglilinis at detoxify ng hangin sa inyong mga tahanan!



Karamihan sa atin ay madalas na nagpapalipas oras sa loob ng ating mga tahanan kung kaya naman ang kalidad ng hangin sa ating mga bahay ay napakahalaga. Maraming nagiging sanhi ang pagiging marumi ng hangin sa ating kapaligiran. Ito ay ang mga materyales na ginagamit sa pagtatayo ng bahay o di kaya naman ay mga panglinis ng ating tahanan.

Aakalain mo bang hindi mo na kailangan pa ng mga mamahaling produkto o gamit para lamang malinis ang hangin sa ating tahanan. Dahil sa mayroon naman tayong mga natural na panglinis ng ating hangin tulad ng mga halaman na kung tawagin ng NASA ay “nature’s life support system.



Narito ang ilan sa mga halaman na maaaring gamitin sa detoxification at makapagsala ng hangin sa loob ng atinh bahay:

MOTHER-IN-LAW’S TONGUE



Isa sa pinakamabisang panglinis ng hangin ayon sa NASA ang Mother-in-law’s tongue. Nakakapag-alis ito ng nasa 107 na “air pollutants” tulad na lamang ng carbon monoxide, nitrogen monoxide, formaldehyde, chloroform, benzene, xylene, at trichloroethylene. Nakalilikha din ito ng oxygen buong gabi at mabisang ilagay sa mga silid.

PEACE LILY



Mabisang panglinis din ng hangin ang halaman na ito. Lalo na ang mga air pollutants galing sa mga mwebles, electronics, at mga produktong panglinis.

BAMBOO PALM




Kilala rin ang halaman na ito bilang Butterfly Palm at Areca Palm. Napakabisa din nitong panglinis ng hangin at pangtanggal ng formaldehyde, benzene, at carbon monoxide. Nakakadagdag din naman sa benepisyo nito ang Chrysalidocarpus lutescens na nakakalikha ng sapat na tubig sa loob ng 24 oras na tamang tama sa mainit at tuyong klima at sa mga taong may problema sa paghinga.

RUBBER PLANT


Ang halaman na ito ang epektibong pangtanggal ng formaldehyde sa hangin. Paborito itong halaman kahit noon pang Victorian era.

BOSTON FERN




Ayon sa mga pag-aaral, ang Boston fern ang isa sa pinaka-epektibong halaman lalo na sa pagtatanggal ng formaldehyde sa hangin. Talaga namang malaki ang benepisyong maidudulot ng halaman na ito sa tahanan o di kaya naman ay sa opisina.

FICUS/WEEPING FIG


Ang halamang ito ay nasa 2 hanggang 10 talampakan ang taas na nagtatanggal din ng maraming mga uri ng polusyon sa hangin. Nabubuhay ang mga ganitong uri ng halaman sa hindi direktang sikat ng araw at tiyak na low-maintenance lamang ito.

ALOE VERA


Napakadaling alagaan ng halamang ito. Marami rin itong benepisyo na maitutulong sa ating katawan. Mayroon itong laman na malinaw na parang tubig sa loob na nagtataglay ng mga enzymes, bitamina, amino acids at iba pang mga compound na makakatulong sa pagpapagaling ng mga sugat, anti-bacterial, at anti-inflammatory.




error: Content is protected !!