OFW na nagpatayo ng apartment noon, isa nang milyonaryo ngayon!



Marami tayong kilala o kapamilyang hindi nagdadalawang isip na mangibang bayan para lamang kumita ng mas malaking halaga at makatulong sa pamilya at mahal sa buhay. Isa sa pinakamahalagang dapat matutunan ng isang Overseas Filipino Worker o OFW ay ang mag-impok, at mamuhunan. Hindi rin kasi mawawala ang katotohanang hindi pang-habang buhay ganitong uri ng trabaho, darating ang panahon na sila ay tatanda o maaari ring magkasakit. Kung kaya naman dapat talagang mag-impok hanggang maaga pa kaysa magkaroon ng pagsisisi sa huli.

Isang nakapalaking inspirasyon ang kwento ng isang OFW na si Jayson Sazon Jingco ang kanyang ibinagi sa isang socia media financial literacy group. Aminado si Jayson na nagmula ang lahat ng tinatamasa niya ngayon sa kanyang pagtatrabaho sa South Korea. Naging napakalaking tulong din naman ng kanyang pamamaraan sa pag-iimpok ng kanyang mga kinita at pinaghihirapang pera.

Siya ang nakapagtapos sa kursong Bachelor’s Degree in Information Management noong 2010. Ito ang kanyang pagbabahagi ng kanyang kwento.

“Sinubukan kong makipagsapalaran abroad at napunta ako dito sa South Korea last December 12, 2012, 22 years old to work into manufacturing field may dapat akong pagpilian sa dalawa may nagoffer din kasi sakin ng work sa field ko and I guess I made the right decision na nagpabago ng lahat. Bago paman ako umalis puno na ng teachings mga parents ko sakin sa kung ano lahat ang mga pangarap nila samin at dapat hawakan ko ng maayos ang pera ko habang bata pa ako at di pa married.”




Imbis na magwaldas ng pera sa luho at ibang mga bagay pinagsumikapan niyang mamuhunan sa “real estate”. Nakapagpundar siya ng apartment mula sa mga tips ma nakuha niya sa isang financial advisor na si Chinkee Tan. Natulungan din niya ang kanyang mga kapatid na makapagtrabaho sa ibang bansa. Sa katunayan ay nasa Canada niya ang kanyang Kuya at ang dalawang nakababatang kapatid sa South Korea.


Sa edad na 27 taong gulang ay nakapag-impok na siya ng unang isang milyong piso niya. Bukod sa pagpapalawak pa ng kaniyang mga apartment ay nakabili na rin siya ng lupang pagtatayuan ng kanilang tahanan.



Sa edad na 28 anyos ay mayroon na rin siyang sariling tahanan na titirhan nila ng kanyang magiging misis. Sa isang taon na nakatakda ang kanilang kasal at siya ay 29 taong gulang na.





error: Content is protected !!