Brian McKnight proud na proud sa kanyang Pilipinang asawa!



Iba-iba tayo nang persepsyonpagdating sa pag-ibig, sa pagmamahal, sa pagpapakasal, pagpapamilya o maging sa mga taong ating mamahalin. Kung ang ilan sa atin ay nababansagang martir sa pag-ibig, o walang “taste” wika nga ng iba dahil sa mga taong pinipili natin, maging ang iba ay magsasabi pang “Bakit siya? Marami namang iba d’yan?” ngunit ganoon yata talaga kapag nagmamahal kahit nasasaktan ka na o kahit magmukha ka pang tanga, ayos lang yun basta nagmahal ka, sabi nga nila.


Ngunit sa kabila ng mga ito, batid nating lahat na iba talaga mag-alaga at iba talaga magmahal ang isang Pilipino kung kaya naman hindi na nakapagtataka na maraming mga tao, maging ang ibang mga nasyonalidad ang nabibighani sa atin. Napapamahal sila sa natural na pagmamahal na kayang ibigay ng isang Pilipino at maaaring isa ang iniidolo nating si Brian McKnight sa mga pinagpalang nilalang sapagkat siya ay may asawang Pinay!




Si Brian McKnight ay isang popular at kilalang mang-aawit, musikero, aktor at prodyuser. Ilan lamang sa mga kanta niya ay “Back at One”, “One Last Ĉry”, “6,8,12”. Ang 49 taong gulang na mang-aawit na ito ay isa ring “multi-instrumentalist” dahil sa kaya niyang magpatugtog ng walong mga instrumento tulad na lamang ng piano, gitara, base guitar. Percussion, trombone, tuba, flugelhorn at trumpeta.


Siya ay ikinasal sa isang Pilipinang doktor na nagngangalang Leilani Mendoza, siya ay isang Filipino-American na mula sa Plaridel, Bulacan. Sila ay ikinasal sa Oheka Castle and Hotel Estate in Huntington, New York. Taong 2014 ng sila ay nagkakilanlan at nagkamabutihan matapos ng dalawang taon ay na-engage sila.



Mayroong asawa noon si Brian na kanyang college sweetheart na si Julie McKnight kung saan mayroon siyang dalawang anak, nagdiborsyo sila ng 2003. Mayroon ding dalawang anak si Leilani ayon sa ibang mga ulat.


Hindi man naging matagumpay ang una nilang mga relasyon, mas masaya na sila sa piling ng isa’t-isa ngayon.




error: Content is protected !!