Panibagong “Badjao Girl” napukaw ang puso ng mga netizens!



Mayroong sumikat na isang dalagitang “Badjao” na nagngangalang Rita Gaviola na nakuhanan ng larawan sa isang “Festival” o pagdiriwang. Sadyang naging isang napakalaking pagbabago nito sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.



Kung dati ay hindi maayos ang kanilang tahanan, ngayon ay mayroon na silang magandang tirahan at mayroon na din silang palikuran na dati ay hirap na hirap silang magkaroon at tila imposible na nilang makamtan. Ngunit sa tulong na hindi inaasahang larawan ng dalagita unti-unti na niya itong nakakamtan. Sa kasalukuyan ay nag-aaral siya at nais maging isang guro upang makatulong rin sa ibang tao na nangangailangan ng maayos at libreng edukasyon gaya nila.


Kamakailan lamang ay namangha ang mga netizens nang mag-post si Doms Quintua ng “investigative report” nila patungkol sa mga Badjao para sa kanilang proyekto sa “Oral Communication”. Habang ginagawa nila ang kanyang proyekto ay laking gulat nila ng masilayan ang kakaibang ganda nang dalagita kahit pa sa medyo may karumihan ang kanyang damit ay talaga namang hindi maipagkakailang maaari siyang maging artista o modelo tulad na lamang ni Rita.


Sa magandang mga ngiti nito, nakakapukaw na mga mata, makinis na balat at palakaibigang personalidad tiyak na magkakaroon ng pagkakataon ang dalagang ito na mas makilala pa hindi lamang sa social media kundi sa telebisyon o maging sa pagiging isang modelo.



Marami din namang mga netizens ang nag-tag sa “Kapuso Mo Jessica Sojo” sa pagbabakasakaling mabigyan ng atensyon ang nasabing “Badjao Girl”. Hindi na nagawa pang malaman ni Doms ang pagkakakilanlan ng dalaga dahil sa sobrang pagkamangha nito sa angkin niyang kagandahan.

Tunay ngang maraming mga natatanging ganda sa ating bansa na hindi pa nadidiskubre, hindi lamang ganda ng mga Pilipinong naninirahan dito kundi maging ng mga lugar at mga bagay na kapag iyong nadiskubre ay talagang mas mapapamahal ka sa Pilipinas. Paniguradong ang mga ito mabibigyan din ng pagkakataon upang makilala hindi lamang sa ating bayan kundi maging sa ibang bayan din.






error: Content is protected !!