Magandang Balita: Lahat ng Pilipino maaari nang magkaroon ng libreng “National I.D.”



Kamakailan lamang ay napirmahan na ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas patungkol sa “national identification system” o ang “Philippine Identification System” o (PhilSys).

Narito ang ilan sa mga impormasyon na makakatulong sa pagkuha ng National ID:



1. Saan mo maaaring makuha ang National ID?


Maaari mong makuha ang National I.D. sa PSA o Philippine Statistics Authority na dating kilala bilang NSO o National Statistics Office ng inyong lugar. Huwag mahihiyang magtanong patungkol sa mga paraan nang pagkuha nito.


2. Mayroon bang bayad o singil sa pagkuha nito


Libre ito sa unang beses nang pagkuha ngunit kapag ito ay nawala dapat na kumuha ng “Affidavit of Lo$$” kasabay ng replacement fee na hindi lalagpas ng 100 piso para sa nawalang ID card. Kung kaya’t nararapat lamang itong pakaingatan.


3. Kailan ito ipatutupad?


Ito ay ipatutupad simula sa Disyembre 2018 ayon na rin sa batas na pinirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.



4. Maaari bang ma-expire ang National I.D.?


Ayon sa PhilSys ang nasabing I.D. card ay pang-habang buhay na. Wala na itong “expiration” kapag ikaw ay nagkaroon na nito.

Para sa karagdagang impormasyon, ang National ID System, PRC License, Philippine Passport, at LTO Driver’s License ay ilan lamang sa mga valid IDs na kinikilala at tinuturing na wasto. Sinasabing ay sistema rin na ito ay kokolekta ng ilan pang mga impormasyon tungkol sa isang indibidwal kabilang na ang:

1. Buong Pangalan
2. Kasarian
3. Petsa ng Kapanganakan
4. Tipo ng Dugo
5. Lugar na Tinitirahan
6. Pagkamamamayan



Ayon din sa ilang ulat, maging ang mga “biometric information” ay itatala rin katulad na lamang ng larawan na nakaharap ang mukha, kumpletong kopya ng mga “fingerprints”, at iris scan. Ang nasabing mga impormasyon ay hahawakana at pangangalagaan ng Philippine Statistics Authority o PSA.




error: Content is protected !!