Nanaisin mo bang tumawid sa pinakanakakatakot na tulay sa buong mundo?



Ang mga nakakatakot na kalsada o tulay ay hindi natural na makikita sa ibang mga lugar lalo na sa ating bansa ngunit maniniwala ka bang mayroong mga ganitong uri ng tulay at kalsada na hindi kinatatakutang daanan ng maraming motorista? Isa na marahil dito ang tinaguriang “The Rollercoaster Bridge” o ang Eshima Ohashi Bridge na matatagpuan sa Sakaiminato, Japan.



Isa ito sa pinakanakakatakot na tulay sa buong mundo dahil sa malaki ang pagkakatulad nito sa isang “rollercoaster”, ganoon ito katarik. Bagamat matarik ang nasabing daan ay hindi ito naging dahilan upang hindi ito daanan ng maraming mga motorista at sasakyan.


Itinayo ng ganito ang tulay na ito dahil sa maraming mga bangka ang dumaraan din dito. Dahil dito ay kinailangang itaas ang paggawa ng nasabing daanan ngunit laking gulat ng marami ng ganito ang naging kinalabasan.


Ayon naman sa kinauukulan ay ligtas itong daanan ngunit maaaring maging problema ito lalo na sa mga taong may “motion $ickne$$”. Sa kabila ng nakakatakot nitong hitsura ay wala naman diumanong aksidenteng naitala rito. Ito ay nakilala rin bilang pang-24 na atraksyon sa nasabing lugar na dinadayo at pinupuntahan ng maraming mga lokal at mga dayuhang turista dahil sa kakaiba nitong istruktura.



Bagamat labis na kinatatakutan ang tulay na ito ay hindi rin naman maipagkakailang maraming mga turista at bisita ang dinarayo ang lugar na ito para lamang makita at maranasan na sumakay at dumaan sa nasabing tulay na ito. Kung ikaw naman ay mayroong “motion $ickne$$” ay marapat munang mag-ipon ka ng maraming lakas ng loob upang mapagtagumpayan mo ang iyong pangamba at maranasan mo rin ang ligaya at tuwang naranasan ng mga sumubok na nito.

Tunay ngang nakakabighani at nakakamangha ang ganitong uri ng mga istruktura. Hindi mo man ito madalas na makita ay talaga nga namang ilan ito sa mga bagay na di mo malilimutan at talaga namang tatatak sa iyo.






error: Content is protected !!