4 na Malaysian, Ipinagpalit ang kanilang mga trabaho upang kumita ng P700,000+ sa Pagtatanim Ng Sili

Mayroong isang kasabihan na “Kapag may itinanim, may aanihin”. Nangangahulgan ito na ang pagsisipag at pagsusumikap ay gagantimpalaan. Pero ang salitang Pagtatanim ay napakahalaga para sa maraming tao, isa na dito ang magsasaka. Hindi isang biro ang pagiging magsasaka, hindi ka pwedeng maging magsasaka kung tamad ka. Kaya naman lubos na hinahangaan natin ang mga kababayan nating magsasaka. Kung hindi kasi dahil sa kanila ay wala tayong bigas. Isipin mo na lang kung walang magsasaka sa mundo, siguradong hindi ka makaka-kain ng kanin.


Pero ang hindi alam ng iba na pwede kang umasenso sa pagtatanim. Katulad na lang ng apat na Malaysian na kumita ng Php700,000 mahigit sa isang anihan lamang ng tanim nilang sili. Sa isang interview sa Kampusuols, Si Mohd Safri na may edad ng 25 ay nagumpisang magtanim ng sili sa kanyang bakuran noong nakaraang taon. Ang 1,800 na puno ng sili ay nagbigay sa kanya ng magandang ani na naging dahilan upang palakihin pa ito.


Dahil malaking puhunan ang kinakailangan, humingi siya ng tulong sa tatlo niyang matatalik na kaibigan na sina Mohd Amiludin, Mohd Irfan, at Mohd Shafiq. Ibinahagj ni Mohd Safri ang kanyang paanyaya sa kanyang mga kaibigan na gawing full-time ang pagtatanim ng sili. Dahil na-engganyo ang mga kaibigan iniwanan nila ang kanilang mga dating trabaho. Ang mga trabaho nila dati ay isang auxiliary police, graphic designer, at factory worker.


Sa pamamagitan ng puhunan na RM20,000(Php252,240.40) ay naka bili sila ng mga kagamitan para sa pagtatanim at mga buto. Tinaniman nila ang 0.3-hectare na lupa sa may Kampung Musa, Kedag ng 4000 na puno ng sili. Ibinahagi din ni Mohd Safri na ang paraan nila ng pagtatanim ay fertigation method. Sa paraan kasing ito ay nakaka-tipid sila ng oras at espasyo. Nakakatulong din ito upang makatipid sa tubig ng 30%-50%.

Ayon pa kay Mohd Safri:
“The efficient watering system ensures all the chilli plants are getting sufficient water and nutrients, which in turn, yields shiny, long and heavy chillis,” .

Ang bawat puno ng sili ay makaka-prodhxe ng 2 kilo ng sili na mabebenta ng RM7(PHP88.25) hanggang RM10(PHP126). Sa katunayan ay naka-ani na sila at nakabenta sa loob lamang ng dalawang linggo. Sila ay kumita ng RM60,000(PHP756,749.74).


Tunay na pinagpala sila sa sugal na ginawa nila. Ang ginawa nila ay magsipag at magtiwala sa sarili. Sana ay makatulong ito upang ang mga kabataan ay makapag-isip. Hindi ba’t mas magandang maging amo kaysa sa maging empleyado? Magagawa ito kung magiging planado at plantsyado ang lahat. Tiwala sa sarili at huwag matako lumagapak.



Reply

error: Content is protected !!